Chapter 5
(Hi please use #LLDAB if you wanna tweet something about this story. Sabi nga ni Ate Eyds "Please make my stalking life easier." Hahaha! Nagsstalk kasi ako ng random tweets ng readers. Much love xx)
"So what you're saying is nahihirapan ka nang magbestfriends lang kayo dahil sa sobrang kasweetan ni Angelo?" Sabi ni Miles sa kabilang linya.
She's the only person who knows about what I really feel for Angelo. At siya agad ang tinawagan ko paguwi.
Hindi ko na kasi kayang itago yung kilig ko dahil pagpasok ko sa kwarto ay punong puno yung kwarto ko ng roses. Nagmukhang garden yung buong kwarto ko.
At may nakalagay na: 'Here's your garden, as promise. -Angelo'
Diba?! Diba?! Sinong hindi kikiligin doon? Mygoodness. Kahit asin lalanggamin eh.
Humiga ako sa kama at nagpalabas ng buntong hininga. "Hindi. I mean, oo. Medyo." Sabi ko. "Kasi naman. He's all these super sweet pero alam ko naman na bestfriends lang kami. God! Ang hirap!"
She sighed. "Mahal mo diba?" Aniya.
Tumango ako. "Oo naman."
"Then tell him!" Ani Miles at narinig ko siyang huminga ng malalim. "Here's the thing, if he loves you too, romantically, edi good kasi magiging kayo. If not, then you have to atleast give some space and move on."
"And then what? Masisira yung sampung taon naming pagkakaibigan? No way." Umiling ako.
No. Freaking. Way.
"Atleast you would know your stand kaysa patuloy kang mafall sakanya kasi he's the sweetest bestfriend in town?!" Ginaya pa niya yung tono ng boses ko pag sinasabi kong sobrang sweet ni Angelo.
I sighed.
"And besides, paano kung may gusto din pala siya sayo pero natatakot lang kasi magbestfriend kayo? Cmon. It'll be worth the risk." Aniya pa na halatang nangungumbinsi.
Bumangon ako at inilibot yung paningin ko. "Okay. Aamin na ko." Sabi ko.
Napadpad yung tingin ko sa picture naming dalawa nong bata pa kami sa tabi ng kama ko.
Ibinagsak ko ulit yung sarili ko sa kama. "Hindi ko kaya, Miles." Sabi ko sakanya.
"Kaya mo, Yna." Aniya.
I shook my head. "Natatakot akong masira yung friendship namin. Ilang pagkakaibigan na ba ang nasira dahil may isang umamin at isang wala naman palang romantic feelings? Madami na."
I can feel that she's rolling her eyes on me now. "Pero ilang pagkakaibigan din ang naging pagiibigan. Marami na."
BINABASA MO ANG
Love, Lies, Deception and Betrayal
RomanceLove plus a little bit of lies and deception plus a dose of betrayal.