#LLDAB
Chapter 19
(Basahin po ang Author's Note sa dulo. Importante po yun! Mua!)
"We're here." Bulong ni Stephen sakin pagmulat ko ng mata ko. Napatingin ako sa bintana at tama nga siya, nasa Pilipinas na kami.
Kitang kita ko mula dito sa taas yung matataas na building at mga bahay ng Manila.
"We're now in Manila. The time is 4:45 in the afternoon. And the weather is at 33 degrees Celsius." Marami pang sinabi ang pilot pero hindi ko na nasundan dahil masaya ko ng sinilip yung Manila.
Im pretty sure maninibago ako sa init ng Manila dahil medyo matagal din kami sa NY pero para bang wala akong pakialam sa init dahil sa sobrang excitement kong makita sila Mommy.
Magkahawak kaming naglakad palabas ng airport ni Stephen. Hawak niya sa isang kamay niya yung cart na may dalawang maleta namin.
"Ynaaaa!" Narinig ko yung sigaw ni Ate kaya naman napatakbo ako sakanya. "I missed you, baby sis!" Aniya habang magkayakap kami.
Ngumiti ako ng malawak. "I missed you too Ate!" Masayang sabi ko.
Paghiwalay namin ay nakarinig ako ng tikhim sa likod ko. "Ako hindi mo namiss?" Narinig kong sabi sa likod ko. And Im pretty sure kilala ko kung kaninong boses yun.
Humarap ako sakanya ng may malawak na ngiti. "Hindi." Sabi ko at nagsad face. Hindi ko napigilan yung tawa ko ng makita ko yung pagsimango niya. "Syempre joke lang! Namiss din kita." Sabi ko at yumakap kay Angelo.
I can say we're in good terms. Paminsan minsan ay nagkakamustahan naman kami online. Mga once a month ganun nga lang. But I cant say we're really back to being bestfriends.
"Iniwan mo ko babe." Parang may tampong bulong ni Stephen pagtabi niya sakin.
Nanlaki yung mata ko at yumakap sakanya. "Oh my. Sorry, babe. Kasi naexcite lang ako nang tawagin ako ni Ate. Galit ka?" Sabi ko gamit yung malungkot na boses at ibinaon yung mukha ko sa dibdib niya.
He chuckled. "I know. I know." Aniya na bahagyang tumawa. "Im not mad. I can never get mad at you." Aniya at hinalikan yung tuktok ng ulo ko.
I smiled. "I love you." Sabi ko at tinignan siya.
He lowered his head to kiss me pero napahinto si Stephen ng tumili si Ate Yza. "Ayyyy! Ano ba yan! Ang tamis! Nilalanggam na kami dito!" Aniya at nagpaypay pa ng sarili.
Napatawa ako at pinagsaklop yung kamay namin ni Stephen. "Baliw ka Ate. Kayo nga malapit nang mag-three years eh." Sabi ko sakanya at tinukso sila ni Angelo.
"Tara na. Nagaantay na sila Tita sainyo." Sabi ni Angelo at binuksan na yung likod ng sasakyan para sa mga bagahe namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/33957753-288-k41955.jpg)
BINABASA MO ANG
Love, Lies, Deception and Betrayal
RomanceLove plus a little bit of lies and deception plus a dose of betrayal.