Chapter 15 - Nasasaktan.

15.2K 597 252
                                    

Chapter 15

 

Kanina pa ako hinatid ni Stephen dito sa kwarto ko pero hindi parin ako makatulog. Napagpasyahan kong lumabas muna sa terrace ng hotel room ko. Baka sakaling antukin ako sa lamig ng hangin sa labas.

Bago ako lumabas ay nadako ang paningin ko sa ref. Kukuha sana ako ng coke ng makita ko yung beer. I've never drink any alcoholic beverages. I guess I should blame Angelo for that.

Hindi niya ako pinapayagan uminom dahil baka daw pag nalasing ako, atakihin ako ng hika ko. Though feeling ko ay wala namang koneksyon ang alak sa hika ko ay sinusunod ko nalang siya.

Napailing ako at tinuloy ang pagkuha ng coke. Lumabas ako at nilanghap ang simoy ng dagat. I wish I could stay longer kaso ay kailangan daw namin bumalik agad bukas dahil maghahanda kami for Christmas. Malapit na nga pala yung pasko.

Napatalon ako ng may magsalita sa kabilang terrace. Sht. Kwarto nga pala niya yun.

"Cant sleep?" Aniya. Tinignan ko siya at nakita kong nakatingin din siya sa dagat.

Binaling ko uli yung tingin ko sa dagat bago sumagot. "Yeah." Simpleng sagot ko.

Sandali kaming natahimik ni Angelo ngunit binasag niya rin yung katahimikan namin. "I-I heard sa NYU ka daw magcocollege?" Malumanay yung boses niya.

I froze. Wala pa sana akong balak ipaalam sakanya yung bagay na yun dahil alam ko na agad yung magiging reaksyon niya. Pero diba, wala na siyang karapatang magreact?

"Oo." Mahinang sabi ko. Nanatili ang tingin ko sa dagat pero rinig na rinig ko ang mabibigat niyang paghinga.

Nagpalabas siya ng buntong hininga bago magsalita. "What about our plans, Yna? Akala ko ba pareho tayo ng University? Akala ko ba -"

Pinutol ko siya agad. "Magiging architect ako at magiging civil engineer ka? Para pareho tayo ng linya. Para sabay tayong gagraduate. Para ako ang magdedesign ng bahay at ikaw ang gagawa." Nabasag ang boses ko.

I could still remember our plans clearly. Yung plano namin noon pa man na pareho kami ng University na papasukan para magkasama parin kami. Yung course na kukunin namin ay related. Yung pag magkakabahay daw kami someday ay ako ang magdedesign tapos siya ang gagawa. It was all in my head.

Naramdaman ko yung pangingilid ng luha ko pero pinatili kong deretso ang paningin ko kahit na ramdam ko yung titig niya sakin. "Akala ko rin kasi matutuloy yung plano natin. But I guess the plans have changed, right?"

Hindi siya nagsalita kaya kinuha ko yung opportunity para magsalita ng magsalita. "Kasi doon ka parin pala sa school magcocollege para pareho kayo ni Ate. Kasi Business Ad na pala ang kukuhanin mo para pareho kayo ni Ate. Kasi hindi na pala tayo pareho ng plano sa buhay."

Pumatak yung luha ko pero agad ko rin yung pinunasan. "Yna." Narinig kong tawag niya sakin.

Nakwento sakin ni Ate na Business Ad daw ang kukunin ni Angelo para pareho silang dalawa. At para narin daw may magmanage nung kompanya nila Tito Tristan.

Doon ko sobrang napagtanto na marami na ngang nagbago. Sobrang dami na.

"Okay narin siguro yun. Para atleast diba, ikaw na ang papalit kay Tito Tristan." Sabi ko at bahagyang tumawa.

Para na siguro akong baliw kasi kanina pa ako punas ng punas ng mga luhang bumabagsak sa mata ko pero nagagawa ko parin tumawa.

"Yna." Mas malambing yung boses niya. Sa sobrang lambing ay parang gusto kong magbreak down.

Nakokonsensya siya? Na siya ang naunang magiba ng plano? I dont get him. Sana ay hindi na siya nagreact ng ganto ganung siya naman ay iba narin ang plano for college.

"And besides, lalakarin narin namin yung papeles namin for NYU kaya tuloy na tuloy na yun." Sabi ko. Hindi ko parin siya nililingon. Ayoko. Ayokong makakita ng kahit anong expression sa mata niya.

"Niyo?" He asked me.

I nodded. "Kami ni Stephen." Sabi ko.

"D-Doon kayo pareho magaaral?" Garalgal ang boses niya kaya napatingin ako sakanya. He was so close to crying and I dont fucking know why.

I nodded at hindi na nagsalita. Hindi nakaligtas sa paningin ko yung luhang lumandas sa mata niya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

"Ang sakit pala." Sabi niya. I swallowed hard. "Yung pakiramdam na napalitan ka na sa buhay ng bestfriend mo." Huminto siya.

Shit. Ikaw lang ba ang nasasaktan ha?! Ako! Can you even imagine the pain Im feeling! Damn it!

"Alam kong nawalan ako ng oras para sayo dahil binibigay ko yung oras ko kay Yza pero hindi lang naman yun eh. Umiwas ka sakin mula ng maging kami ni Yza. Bakit? Dahil kapatid mo yung girlfriend ko?" Umiling siya at nagpunas ulit ng luha.

Fck it, Angelo!

"Hindi ko maintindihan Yna. Bakit ka umiwas? Dahil ba nagaalala kang baka magselos si Yza kung sasama ka parin sakin? Dahil ba nakahanap ka naman ng ibang makakasama? Tell me. Kasi ako, tanggap kong mali ko na hindi kita nabigyan ng sapat na oras tulad ng dati. Pero yung pagiwas mo."

Walang patutunguhan tong usapan na to.

Nagiwas ako ng tingin. "Goodnight, Angelo." Simpleng sabi ko at papasok na sana sa kwarto ko pero napahinto ako sa susunod niyang sinabi.

"Mali ba? Mali bang minahal ko yung kapatid mo?" Huminga siya ng malalim. "Kung iba ba yung naging girlfriend ko ay iiwas ka parin sakin? Kung iba ba yung minahal ko, dito parin ba tayo babagsak?"

You'd never understand, Angelo. Umiwas ako kasi nasasaktan ako. Umiwas ako kasi mahal kita pero may iba kang mahal. Umiwas ako kasi gusto kong kalimutan yung nararamdaman ko para sayo.

"Seeing you slip right through my fingers was the worst sight ever. But I guess that was the price I have to pay for not having enough time for you." Sabi niya bago siya pumasok sa kwarto niya.

Love, Lies, Deception and BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon