#LLDAB
Chapter 20
(Basahin po ang Author's Note sa dulo.)
"Babe." Narinig kong tawag ni Stephen sa likod ko. Nakatinginan kami sa salamin dahil kasalukuyan akong nagaayos.
I smiled. "Yes babe?" Tanong ko sakanya. Nagpatuloy ako sa paglalagay ng lipstick habang inaantay ang sagot niya.
Umiling siya at nagpalabas ng buntong hininga. "Wala." Aniya.
Nang matapos ako ay tumayo ako at umupo sa tabi niya sa kama. Tinignan ko siya ng mabuti dahil parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya masabi. "May problema ba?" I asked him as I held his hand.
Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo. "You look beautiful." Aniya.
"Ayaw mo na ba akong tumuloy?" I asked what's inside my head. Pakiramdam ko kasi ay yun ang gusto niyang sabihin. Stephen and I, we have this connection.
Umiling siya at niyakap ako mula sa likod. Ramdam ko yung init ng hininga niya sa may leeg ko. "Its not that. Its just...you look so beautiful, I want you all for myself tonight." Aniya at hinalikan ng mababaw yung balikat ko.
Napangiti ako. Naglalambing na naman siya. Hinilig ko yung katawan ko sakanya. "Uuwi din naman po ako agad. Kakain lang kami at maguusap." Sabi ko sakanya.
Tumango siya. "Okay. I'll wait for you here." Aniya.
Pagbaba namin ay nasa sala na si Angelo. Katabi niya si Ate na ngayon ay nakahilig sakanya. "Ehem. Langgam. Ehem." Sabi ko at kunwaring umubo.
Napatawa si Ate at tumayo. "Ayan na pala yung date mo." Aniya ng natatawa.
Napailing nalang ako at nagpaalam na kay Ate. Hinatid ako ni Stephen sa labas. Pagdating namin sa harap ng sasakyan ni Angelo ay agad na pumasok si Angelo sa loob ng driver's seat. Pinagbuksan ako ni Stephen ng pinto pero bago ako makapasok ay hinapit niya ako palapit sakanya.
Yumuko siya para hagkan ako sa labi. "Ingat kayo ah. I love you." Aniya pagtapos niya akong halikan.
Ngumiti ako. "Yes po. I love you too." Sabi ko at pumasok na sa sasakyan ni Angelo.
Habang nagddrive siya ay hindi ko maiwasan hindi ilibot ang paningin ko. Its been years since yung huling upo ko sa sasakyan na to.
"Nakakamiss din pala tong sasakyan mo." Natatawang sabi ko.
"Hindi ka daw niya namiss." Aniya at tumawa. Hinampas ko siya sa braso.
"Heh! Hanggang ngayon bully ka parin!" Sabi ko at bahagyang tumawa.
I actually like the fact that we're cool. Tingin ko ay mas madaling maibabalik ang pagkakaibigan namin kesa sa inaasahan ko.
BINABASA MO ANG
Love, Lies, Deception and Betrayal
RomanceLove plus a little bit of lies and deception plus a dose of betrayal.