Chapter 3
Sumubo ako ng pancake habang nagttype sa cellphone ko ng text para kay Angelo.
Where the hell are you? Malalate na tayo! I texted.
Okay, we're not really late. Actually, kung aalis na kami ngayon papasok ay 45 minutes ahead sa time kami. Pero kasi ang tagal niya, nakapaligo, nakabihis at nakakain na ako ay wala parin siya.
"Magpapaparty na ba ko dahil maaga ka nagising ngayon?" Rinig kong boses sa likod ko.
Mabilis akong tumayo. "Finally!" Sabi ko pero nagulat ako ng umupo siya sa upuan ko kanina at nagumpisa siyang kumain.
"Seriously?" I asked in disbelief.
Kakain pa talaga siya?
"What? Hindi pa ko kumakain. Nagmadali akong pumunta dito kasi nagmamadali ka." Aniya at sumubo ng hotdog.
Ngumuso ako at umupo sa tapat niya. Pinanuod ko siya habang kumakain. Siya naman ay wala lang paki sa pagtitig ko dahil busy siya kumain.
Damn, this man! Kahit kumakain lang siya ay makalaglag panty na! Lintek.
"Tunaw na ba ako?" Tanong niya at sumandal sa upuan. Nakita kong ubos na yung laman ng plato niya.
I arched my eyebrow. "Excuse me?"
"Dadaan ka? Sure." Aniya at tumawa ng bahagya.
Binato ko siya ng table napkin. "Ewan ko sayo! Tara na nga."
Kinuha niya yung bag ko at siya ang nagbitbit. The usual Angelo. Habang naglalakad kami palabas ay sakto namang baba ni Ate Cla.
"Morning Ate." Sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.
"Morning baby sis. Aga natin ngayon ah?" Aniya at tumingin sa likod ko. "Good morning, Angelo." She showed her sweetest smile.
Napangiwi ako dahil alam kong nagpapacute si Ate. Of course I know kung kailan siya nagpapacute.
Nilingon ko si Angelo at nakita kong malaki ang ngiti niya. "Good morning. Sabay ka na samin?" Aniya.
Umiling si Ate. "Maybe next time. May susundo saking friends at tsaka kakain pa ako." Ani Ate Cla.
Nagpakawala ako ng buntong hininga pero mahina lang. I dont know but I felt relieved na umayaw si Ate.
Tumango lang si Angelo at nagpaalam na kami.
Habang nasa byahe kami ay tumunog ang cellphone ni Angelo. Kinuha ko yun at nakitang si Trisha ang tumatawag.
BINABASA MO ANG
Love, Lies, Deception and Betrayal
RomanceLove plus a little bit of lies and deception plus a dose of betrayal.