Chapter 16
"Yna, are you sure about this? Pwede pa naman nating ipamove yung flight mo next month. Tutal ilang buwan pa naman bago kayo magpasukan." Sabi ni Mommy at inilibot yung tingin sa buong kwarto ko.
Yumakap ako sakanya at ngumiti. "Mommy naman. Akala ko po ba napagusapan na natin to. Kailangan pa po namin magayos ng apartment ni Stephen at kailangan pa namin masanay sa New York diba kaya maaga kaming aalis diba."
Hindi ko alam kung anong napagusapan nila Mommy at ng parents ni Stephen pero ang sabi ay sa isang apartment kami titira. Up and down naman daw at dalawa ang kwarto non.
Ayoko nga sana, dahil medyo nakakailang yung ganong setup. Kahit pa sabihin na palagay na ang loob ko kay Stephen ay nakakahiya parin. Para kaming maglilive in sa setup eh.
Kaso ayaw pumayag ni Mommy na hindi ko kasama si Stephen sa apartment. Kailangan niya daw ng magbabantay sa akin dahil sa hika ko. Kaya naman pumayag narin ako.
Umiling siya at nagpalabas ng buntong hininga. "But its your birthday in two weeks."
Oo nga pala.
"Pwede naman tayong magskype nun Mom. And besides, its just an ordinary day." Sabi ko sakanya at hinigpitan pa ang yakap ko.
Hinampas niya yung braso kong nakayakap sakanya at narinig ko siyang suminghot. "Its not just an ordinary day! At tsaka, paano pag inatake ka ng asthma mo dun? Sinong maglalaba ng damit mo? Paano ka magluluto?"
Napatawa ako kay Mommy. "Mommy naman! Sepanx?" Sabi ko at tumawa. "I'll be fine Mom. And besides kaya niyo nga ginustong kasama ko si Stephen sa apartment para may bantay ako diba." Sabi ko sakanya.
Tumango siya at suminghot. "Basta yung sabi ko sayo ha. Araw araw tayong magsskype at magviviber." Sabi ni Mommy.
Tumawa ako ng bahagya at tumango.
Bukas na ang alis namin ni Stephen. Kahapon ay nagkaroon narin ng despedida para sa amin. It was just a small party at invited ang iilang kaibigan namin.
Mabilis ang naging takbo ng panahon. Last week kami gumraduate. Naging masaya naman ang gtaduation kahit papano. Medyo nagiyakan lang kami ni Miles dahil mamimiss niya daw ako.
Kaming dalawa ni Angelo ay mas naging distant sa isa't isa after ng gabing sinabi niyang nasasaktan siya. I know umiiwas siya, its obvious. But its fine with me. Hindi ko rin naman alam paano siya papakisamahan dahil sa mga binitiwan niyang salita noon.
Ang hindi ko maintindihan ay bakit parang siya pa yung may ganang umasta ng ganun, eh ako naman tong mas apektado sa mga nangyayari.
I shooed my thoughts away. This isnt a good time for that. In fact, I shouldnt think about it ever again.
Maaga akong natulog dahil maaga rin akong kailangan gumising. Naalimpungatan ako dahil sa kamay na humahaplos sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
Love, Lies, Deception and Betrayal
RomansaLove plus a little bit of lies and deception plus a dose of betrayal.
