Prologue

30K 631 73
                                    

Prologue

 

"Yna!" Masayang tawag ni Ate sakin pagpasok niya sa kwarto ko.

Pinunasan ko yung mukha ko gamit yung kamay ko para hindi mahalata na umiiyak ako. Umupo ako ng ayos sa kama. "Mukhang masaya ka Ate ah?" Nakangiting tanong ko.

Buti ka pa, masaya.

Ako eto, kakagaling lang sa matinding heartbreak. Matinding matinding heartbreak.

Umupo siya sa tabi ko at inalog alog ako. "Kami na! Kami na! Kami na!"

Out of nowhere ay napataas ang kilay ko. "Kayo na? Sino?"

As far as Im concerned, wala namang nanliligaw kay Ate.

Tinakpan niya yung mukha ng unan at tumili doon. Napangiti ako sa ate ko. Ngayon ko lang siyang nakita na ganyan kiligin.

Humarap siya sakin, kitang kita ko ang pula sa mukha niya.

"Ni Angelo. Kami na, sis." Malapad na ngiting sabi niya.

Ako naman ay unti-unting nawala ang ngiti. "W-wow." Damn it, Yna! Stop stuttering!

I tried my best to suppress my emotions. Hindi ka iiyak, Yna. You're not a weakling. Definitely, not a weakling.

"Wow talaga! Nagulat ako kanina nang tanungin niya ako kung pwede daw bang maging kami. Syempre um-oo na ako noh! Hi-hindi pa ba ako sa isang Angelo Stanley Montefalco?" Sabi niya at hinampas pa ko.

Naramdaman kong nagbabadya nang tumulo yung luha ko kaya tumayo ako. "G-Great. I-Im happy for the both of you. Teka CR lang ako, naiihi na ko eh." Sabi ko at pumasok na sa loob ng banyo.

Ang sakit sakit.

Love, Lies, Deception and BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon