Chapter 12
Nadatnan ko si Ate na nagbabake sa kusina. "Anong ginagawa mo Ate?" I asked her.
Bumaling siya sakin at ngumiti. "Nagbabake ng cake for Angelo. First monthsary kasi namin ngayon." Aniya at halatang kinikilig pa.
Nakakaisang buwan na pala sila. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang ay wala. Wala akong dapat isipin. Im doing great netong mga nakaraang linggo kaya dapat ay ipagpatuloy ko lang ito.
"Do you think he'll like this?" Aniya at hinalo ang mga ingredients.
Nanlaki ang mata ko nang makita kong nilagyan niya yun ng strawberries. "Ate." I called her. Napatingin siya sakin dahil medyo seryoso ang tono ng boses ko. "Allergic si Angelo sa strawberry." Sabi ko at napangiwi dahil sa pagtataka kung bakit hindi niya yun alam.
Napahinto sa ere yung kamay niya at nagulat. "Shit." Aniya at malungkot na ngumiti. "Ang fail ko."
"Gawa ka nalang ng iba. Anyways, I have to go Ate." Sabi ko ng makarinig ako ng busina sa labas.
Tumango lang siya kaya lumabas na ako. Bago pa ako makalabas ay nakasalubong ko si Angelo. Nakaporma siya. Siguro ay may nakahanda siyang surprise para kay Ate.
Ngumiti ako sakanya. "Pormang porma ah." Pangaasar ko.
Ngumiti siya pabalik. "May lakad ka?" Tanong niya sakin.
"Oo. May lakad kami ni Stephen. Manunuod ng sine. Anyways, I have to go." Sabi ko at akmang tatalikod na ng hawakan niya yung braso ko.
Napalingon ako sakanya at malungkot siyang ngumiti. "I miss you." Malungkot niyang sabi.
Sandaling tumigil yung mundo ko pero buti ay nakabawi ako agad. Itinikom ko yung bibig kong bahagyang nakanganga. "Namimiss na din naman kita." Sabi ko sakanya.
Masasabi kong medyo nagkalayo kami simula nung naging sila ni Ate. Hindi na niya ako nasasamahan manuod ng local romcom movies dahil si Ate na ang kasama niya. Hindi narin kami nakakalabas like dinner or simpleng gala dahil lahat ng oras niya ay nakagugol para kay Ate.
"I feel like you're drifting away and I hate it." Sabi niya. Nagulat ako ng kabigin niya ako para yakapin. "And I hate it even more knowing that its my fault."
Ramdam na ramdam ko yung lungkot sa boses niya. Pakiramdam ko ay tinutusok ang puso ko.
Nangilid yung luha ko. Fck it! Yumakap din ako pabalik sakanya. "I get that she's your priority now, Angelo." Yun nalang ang nasabi ko dahil hindi ko alam kung anong dapat sabihin.
Naramdaman kong umiling siya pero hindi parin siya bumibitiw sa pagkakayakap. "No no. Its not -"
I cut him off. "Lets just hang soon, alright?" Sabi ko.
Umalis siya sa pagkakayakap at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "You're mad at me, are you?"
BINABASA MO ANG
Love, Lies, Deception and Betrayal
RomanceLove plus a little bit of lies and deception plus a dose of betrayal.