Kairuz' POV
"Hays" buntong hininga ng lalaking nasa harapan ko. Ilang beses na ba niyang nagawa yan simula nang dumating siya dito sa opisina ko.
"Bakit ka ba kasi nandito? Hindi naman kita pinapunta huh? Kaya ko ang mga gawain dito nang wala ka"
"It's my brother's birthday Kai" malungkot na sabi niya. Pero alam kong hindi lang yun ang dahilan kung bakit malungkot siya.
"Tell me Viel, are you really here because you're avoiding the dramas there or because you're giving that Villanueva a chance to be with Kaira?" diretchang tanong ko. Hindi na siya nagulat. Sa tagal naming magkakilala alam na namin ang ugali ng isa't isa.
"Bakit mo ba kasi pinahihirapan si little princess?" seryosong tanong niya.
Tumayo ako. "Are we seriously gonna argue with this matter again Saviel!?!"
"Kai--"
"When are you gonna start thinking about yourself?!? Dati si Eli ang inaalala mo, ngayon naman ang Villanueva na yun!?! Hindi mo siya kapatid tulad ni Eli, Viel! Kung kay Eli naiintindihan ko pa, pero sa lalaking yun? It just won't make any sense!"
"He reminds me so much about Eli. It's like he's him" tulalang sabi niya habang may tipid na ngiti sa labi.
"G*ddamnit Saviel! That's b*llshit! Magpaparaya ka na naman just because he has some similarities with Elijah?!?" galit na sigaw ko.
This is bad. He's being stupid again!
"Magaling pumili ang kapatid ko ng kapalit eh. I guess, he just doesn't want his princess to be with me" malungkot na komento niya.
I didn't let my sister hate me for nothing!!
"Whether you like it or not, a deal is a deal Saviel. I just wanna see you happy, even just for this one" seryosong sabi ko.
Kaira's POV
Nag-aayos ako ng gamit ko dahil katatapos lang ng klase nang lumapit sakin si Dustin.
"May gagawin ka ba? Samahan mo naman ako sa mall oh" tanong niya sakin.
Habang nakatingin ako sa kanya, nahagip ng paningin ko si James. Nagmamadali niyang inayos yung bag niya at naglakad.
Sa pagmamadali, nabangga niya si Dustin sa likod.
"Tarantang taranta sunduin si Liane, James?!" masungit na tanong ni Dustin.
"Tss" yan lang ang sinagot niya at lumabas na ng kwarto. Nakatitig lang ako sa pintuang nilabasan niya.
"Kai!" natauhan lang ako nang isigaw ni Dustin ang pangalan ko.
"Huh?" bumalik na ako sa pag-aayos ng gamit ko.
Habang nililigpit ko yung notebook ko, biglang nagvibrate yung phone ko.
"Ano ulit yun Dust?" tanong ko kahit sa phone ako nakafocus.
Binuksan ko yung message.
Spencer: Date tayo. Daanan kita sa room mo.
"Sabi ko, may gagawin ka ba? Samahan mo ko maglibot sa mall" ulit ni Dustin.
"Oh tamang tama, nag-aaya si Spencer, sama ka nalang" sabi ko.
Kumunot ang noo niya. "Si Spencer? Wag na" pagtanggi niya at naglakad na. Hinabol ko naman siya. Nakalabas na kami ng room.
"Bakit? Sama ka na, miss na din kita eh. Lagi kang busy sa mga babae mo" nakapout na pamimilit ko.
"Mangungulit lang yung si Spencer na makipag-ayos ako kay Thalia, buti nga at di ko nakikita sa condo yun eh. Tsaka kelan mo kami nakita ni Spencer na magkasama sa mall nang wala si James? Mas close kami ni James, Kai. Kung si James ang kasama mo, papayag pa ko" sabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/23881168-288-k307538.jpg)
BINABASA MO ANG
You Are My Gangster Bestfriend
JugendliteraturMahirap daw magmahal ng taong may mahal ng iba? OO, mahirap! Mas mahirap daw magmahal ng taong may mahal ng iba, at kaibigan lang ang tingin sayo? OO, mas mahirap! Pero ang PINAKAMAHIRAP sa lahat, ay yung magmahal ng taong HINDI KA NAAALALA! Paano k...