Chapter 12: Ever After (Part 2)

257 7 3
                                    

Lance's POV

Once in a blue moon lang mag-aya ng date ang Prinsesa kaya naman sobrang excited ako ngayon. Hinihila ko na siya papuntang motor ko.

"Teka Panget! Di naman halatang excited ka noh?!" sabi niya pagkahila sakin para mapatigil ako.

"Haha, hindi naman Prinsesa ko, natutuwa lang akong nag-aya kang lumabas ngayon"

Ngumiti siya pero halatang pilit.

"May problema ba Prinsesa ko? You seem kinda... stressed?" seryosong tanong ko.

"Huh? Ah, wala toh!"

"Kung masama ang pakiramdam mo, ok lang saking bukas nalang tayo magdate--"

"No! Hindi, ayos lang ako Panget ko. Iniisip ko lang yung sinabi ni Paul sakin" she looked really stress right now.

"Ano bang sinabi niya? May problema ba sa babaeng gusto niya?" takang tanong ko.

Ayan na naman yung pilit niyang ngiti. "Malaki Panget, sobrang laki ng problema ni Paul sa babaeng yun"

Nagsimula na ulit kaming maglakad pero di na ganun kabilis, nag-uusap kami eh.

"Bakit? May boyfriend ba yung babae?! Nako! Edi mahirap yun! Pano siya mapapansin nung babaeng yun?!" nag-aalalang tanong ko. Nako naman Paul!! Minsan ka nalang mainlove, bakit sa may boyfriend pa!! Sana lang di seryoso yung lalaki dun sa babaeng gusto niya para makuha niya agad.

"Kilala siya nung babae Panget. Ang totoo niyan, sabi nga ni Paul, may gusto dati sa kanya yung babae--"

"What?!? Eh ba't ngayong may boyfriend na yung babae, tsaka niya gustong makuha?! Adik talaga yun!"

"Diba dapat ang sasabihin mo 'Edi mabuti, madali nalang niyang maaagaw yung babaeng yun sa boyfriend niya!'?" takang tanong ni Cess.

Huminto ako at hinawakan siya sa magkabilang braso. "May dalawang rason Prinsesa ko. Una, ayokong mang-agaw si Paul ng girlfriend ng may girlfriend dahil tulad ng ibang Hearthrobs, mahina ang konsensya nun, di niya matatagalan yun, sanay sila sa fair na laban eh. Pangalawa, kung maaagaw niya ang babaeng yun, posibleng mangyari ulit yun, ayokong maiwan si Paul ng isang babae para lang sa ibang lalaki, kumbaga karma, maaagawan siya dahil nang-agaw siya" mahabang paliwanag ko.

"Karma?"

"Oo, naniniwala ako dun. Kaya nga takot ako eh, takot akong balang araw, iwan mo ko para sa ibang lalaki. Alam mo na, marami akong sinirang relasyon dati" pagkarating namin sa motor ko, sumakay agad ako. Pero si Cess, nakatulala lang dun, parang may malalim na iniisip.

"Hindi mo naman ako iiwan para sa ibang lalaki diba Prinsesa ko?" tanong ko na ikinabigla niya. Bakit ganun?! Bakit hindi agad siya sumagot tulad ng dati? Bakit parang nagdadalawang isip siya?!

"Cess?..."

"O-oo naman! Hindi kita iiwan noh! Adik toh! Kung anu-anong iniisip! Tara na nga!" tapos sumakay na siya. Why am I not satisfied with her answer? Why does it feel like she's about to do something that I won't like?!

"A-ako pa naging adik ngayon?! Ikaw nga tong lutang dyan eh!" sagot ko, pilit tinatago ang kaba sa dibdib ko.

"Kung anu-ano kasing pinapasok mo sa usapan! Problema ni Paul ang topic eh! Karma karma pang nalalaman" sagot naman niya.

"Oo na po! Ako na may kasalanan! Wag ka na magalit. Mamaya niyan matulad tayo dun kila Dustin eh" sabi ko. Niyakap niya ako sa waist ng sobrang higpit. Lahat ng doubt at kaba ko kanina, nawala dahil sa yakap na yun.

"I love you Princess" biglang sabi ko.

"I love you too Panget" mahinang bulong niya.

Ngumiti ako bago paandarin ang motor. This day should be fun.

You Are My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon