Chapter 17: Fallen Of The Angels (Second Angel)

299 6 3
                                    

Kaira's POV

"Jer" tawag ko sa kanya pero parang wala siyang naririnig. Napabuntong hininga nalang ako.

Hindi pa ok si Dustin at ngayon pati si Jerry wala na rin sa sarili.

"Don't stress yourself too much little princess" biglang sabi ni Viel, ngumiti nalang ako ng konti sa kanya.

"Dude, wag mo masyadong dibdibin yan, kilala mo ang fiancee mo, madaling magsawa yun sa mga laruan niya kaya magsasawa din yan sa Andrew na yun" pagpapagaan ni Adam sa pakiramdam ng bestfriend niya.

Biglang umiling si Jerry. "Hindi niya tinulak si Andrew, Adam. Hinayaan niya lang na halikan siya, at ang masakit pa eh yung fact na tinext niya pa ako para ipamukha sakin na ang Andrew na yun ang pinipili niya!" kitang kita ang sakit na nararamdaman ni Jerry.

Biglang tumayo si Dustin kaya napatingin kaming lahat sa kanya. "Ano ba Torres?!? Badboys tayo!! Tayo ang mga Playboys ng Fallen Angels! Hindi ka dapat magmukmok dyan just because your fiancee choose another guy!!" sigaw ni Dustin.

Hinila ko ang kamay niya para mapaupo siya, magkatabi lang naman kami eh. "Hush up" sita ko sa kanya. Pinipilit niya talagang bumalik sa pagiging casanova niya kahit halata namang nahihirapan na siyang magpanggap na gusto niyang ibalik yun.

"I think you're right Dustin! Si Jerry Torres ata toh!" mayabang na sabi ni Jerry. Oh no!

"That's my boy! Ganyan nga Jerry!" parang baliw naman na sabi ni Dustin, tapos nag-akbayan na sila dun na parang mga tanga. -_-

"They completely lost it" poker face na sabi ni Adam habang nakatingin dun sa dalawa. Ako naman napaface palm nalang.

"Kai, wait lang huh! Punta muna kaming canteen ni Jerry. Balik agad kami, bye!" mabilis na sabi ni Dustin after nilang magbulungan ni Jerry.

"Pero--" pero bago pa ako makaangal, nakalabas na sila. Ayoko sana silang palabasin kasi maghahanap lang sila panigurado ng mga babae. Mga paglalaruan para makalimot sa problema nila.

"Babe" tawag ni Adam kay Jenny na kapapasok lang. Di maipinta ang mukha ni Jenny, para siyang naguguluhan na nandidiri na ewan.

"Anong nangyari dun sa dalawa? Akala ko ba broken hearted si Jerry?" tanong ni Jenny. Ahh, kaya pala, nakasalubong niya yung dalawang nababaliw.

"Nalintikan pareho" umiiling na sagot ni Adam.

"Huh?" naguguluhang sagot ni Jenny.

"Iniisip nila pareho na masosolve ng pagbalik sa pagiging playboy ang mga problema nila" paliwanag ko. "Anong klaseng pag-iisip ba yun?! Obvious naman na ang kailangan nila eh ang makausap ng matino ang mga girlfriend nila eh" dagdag ko pa.

Unti unting napangiti yung dalawa at napatingin sa isa't isa bago ako yakapin ng sobrang higpit! "That's it Kai!" masiglang sigaw nila.

"Anong that's it? Pati kayong dalawa ba nababaliw na?"

"Hindi! Diba sabi mo, ang kailangan nung dalawa eh makausap sila Thalia at Jessie? Edi yun lang ang kailangan nating gawin para maayos lahat ng toh!" masayang paliwanag ni Jenny.

"And how exactly are you planning to do that?" taas kilay na tanong ni Viel.

"This sunday, me and Jenny are planning on spending our monthsary in a resort. Well, kung makakabuti naman sa barkada, ok lang na isama kayo!" -Adam

"That sounds fun. Sige, sasama kami ni little princess!" nagulat ako sa pagpayag ni Viel.

"May sinabi ba silang kasama tayo? Or kasama ka huh Saviel?" pabirong tanong ko sa kanya.

You Are My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon