Chapter 35: A Song For You (The First Song)

364 7 1
                                    

Adam's POV

"Bro, ano ng plano mo? Hindi mo pa rin ba tatanggapin yung engagement niyo? Bukas na yung party, sana naman pag-isipan mong mabuti yan" sabi ni Joe sakin pagkaupong pagkaupo ko sa harapan niya. Nagbibreakfast na kami ngayon. Friday na ngayon at bukas na yung official announcement para sa kasal nila ni Maddison. Hanggang bukas nalang rin yung binigay nilang araw para pag-isipan ko kung tatanggapin ko bang maiengage ulit kay Jenny.

Hindi ako sumagot at nagsimula ng kumain. Napatingin ako kay Joe nang tumayo na siya.

"Maaga pa huh? Puro practice lang naman ang gagawin natin eh, mamayang 11 pa ang usapan" sabi ko sa kanya.

Ngumiti siya sakin. "Dadaanan ko sila Maddy bago pumasok, gusto mong sumama?"

Umiling ako. "Ikaw nalang, pakisabi nalang kay AJ, miss ko na siya" natigilan ako sa sinabi ko. Ba't ko nasabi yun?!

"A-ano, asan nga pala si Death?" tanong ko para di siya makapagtanong about sa nasabi ko.

"Nandun sa mansyon, galit pa rin sayo. Dalawin mo kaya nang mawala ang tampo sayo bago yung party bukas?" sabi niya habang inaayos yung bag niya.

"Hays, ok ok. Ano bang dapat kong gawin para mapatawad ng batang yun?" tanong ko sa sarili pero si Joe ang sumagot.

"Simple lang, pumayag ka sa engagement, then he'll talk to you"

Hindi na ako sumagot. "Hays, bahala ka Adam. Sige na, mauna na ako" paalam niya tapos lumabas na siya.

Ako naman, kumain nalang tapos nag-ayos na ng sarili. We used to hate each other but look at me now, di mapakali dahil hindi pa rin ako kinakausap ng batang yun. Sa tuwing kakausapin ko siya, puro tango o iling lang ang sagot ng loko. -_-

Nakasakay na ako sa kotse ko nang biglang magring yung cellphone ko, hindi ko sana papansinin pero bigla kong narinig yung ring tone na pang Angels kaya agad kong kinuha yun sa bag at sinagot.

"Talk to me" bungad ko.

[Adam! Si Death nawawala!!] kinabahan ako sa narinig ko, tinignan ko yung caller's ID, si Joe pala!!

"Asan ka?!" natatarantang sigaw ko.

[Nasa bahay ako nila Maddy, tumawag lang si Papa, wala daw sa bahay si Death!!]

"Papunta na kong school, tawagan mo lahat ng anghel!!" pinatay ko na yung tawag at lumabas ng kotse ko dala ang bag ko, agad kong inistart yung motor ko at pinaharurot ko yun.

D*mn it Death Reaper Cruz!!

Hindi naman ako natagalan bago makarating sa school. Pagkapark ko, tumakbo agad ako papuntang Leisure room. Nandun na lahat ng Badboys pero yung mga Hearthrobs kulang pa, ni wala pa si Joe dito. Ang mga Cuties nandito na din.

"Anong problema tol?" tanong ni Jerry na katabi ngayon si Jessie.

"My cousin's missing!!" agad napalingon sakin yung ibang Badboys at nagsilapitan sila sakin. Pati si Jenny mabilis na lumapit sakin.

"What happened?!" seryosong tanong ni Jenny.

"I haven't talked to him, he's still mad at me. Pero hindi ko akalaing aabot sa paglalayas toh!" sigaw ko in frustration.

"Call the Dragons and the Hearthrobs, find Kid even if it takes the whole day!" utos ni James. Tumango naman silang lahat tapos nilabas na nila ang phone nila.

"Cuties, you just stay here, baka pumunta dito si Kid, tawagan niyo nalang kami. Tawagan niyo rin sila Viel at Kiane, para alam nila" utos ni James tapos lumabas na kami.

You Are My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon