Epilogue

250 10 7
                                    

Kaira's POV

"You ready little princess?" nakangiting tanong ni Viel pagkapasok niya ng kwarto ko.

"All set" sagot ko. Normal lang, hindi excited pero hindi rin walang gana.

"Aww, cheer up Kai! It's Villanueva boy's wedding! You can't display that frowning face of yours on his special day!" pagchicheer sakin ni Viel.

"I know" sagot ko.

"Well, I gotta go check on your brother. Alam mo namang walang balak sumama yun pabalik ng Pilipinas kaya kailangan kong bantayan para makasama talaga siya. Babalik ako mamaya para sunduin ka, okay?" paalam niya. Tumango naman ako kaya hinalikan niya ako sa noo bago siya lumabas.

Binagsak ko ang katawan ko sa kama. Napatitig ako sa picture namin ni Jesler na nakasabit sa wall ko.

"Uuwi na ako Jes. Makikita na ulit kita" I said with a small smile on my lips while looking at the picture.

Hindi naman kami nawalan ng komunikasyon. Madalas kaming magkausap sa cellphone or magkachat. Pero it's just not enough! I wanna see him so badly!

"Hays" buntong hininga ko. Hindi ko alam kung mapipigilan ko ba ang sarili kong gumawa ng kung ano sa wedding day nila.

Nagkalayo nga kami pero parang mas naging dahilan pa yun para mas lumalim ang pagmamahal ko sa kanya eh! Napasabunot nalang ako sa ulo ko!

October 1. Yan ang date ng kasal nila, mismong araw ng birthday ko. Bakit ba kasi nila naisipang isabay sa birthday ko?!? Parang nang-iinis lang eh noh?

Tinignan ko ang cellphone ko, walang notification or text, napabuntong hininga nalang ulit ako. Ilang araw na siyang busy para sa 'big day' nila bukas. Namimiss ko lalo siya.

Binitiwan ko ang cellphone ko at saka pumikit. Matutulog nalang muna ako kesa malungkot at mag-isip ng kung anu ano.

James' POV

"You okay there bro?" nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Dustin mula sa pinto ng unit ko. Nakaupo kasi ako ngayon sa sala.

Lumapit siya at umupo sa tabi ko.

"Yeah" sagot ko sabay tungga ng bote ng alak. Kumuha si Dustin ng isang bote na nasa mesa.

"Drinking on the night before your big day. Nervous?" nakangising tanong niya.

"Not really, I'm actually excited" ngumiti ako sa kanya kaya natawa siya.

"Eh bakit ka umiinom imbis magpahinga para fresh ka bukas?" pabirong tanong pa niya.

"I just miss her, that's all" sincere na sagot ko bago muling uminom.

"You'll see her tomorrow, don't worry" napabuntong hininga ako. I miss Kiane so bad. I wanted to call her many times these past few days but everytime I try, Joss would just steal my phone from me, nasa kanya nga ngayon ang cellphone ko eh. -_-

"P*cha di ko talaga akalaing ikaw ang unang ikakasal sa lahat ng Fallen Angels! Akalain mong inunahan mo pa si Joe na may anak na" natigil lang ako sa pag-iisip kay Kiane nang magsalita ulit si Dustin. Tinignan ko siya, nakatingin siya sa boteng hawak niya, parang tangang nakangiti dun.

"Bakit pakiramdam ko ayaw mong dumating ang bukas Dust?" napansin ko kasing parang iba yung ngiti niya.

Natawa siya sa sinabi ko bago magseryoso ang mukha niya. "I don't know. Siguro natatakot lang ako" napakunot ang noo ko sa sagot niya.

"Ako tong ikakasal, tapos ikaw ang natatakot?" natatawang tanong ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin.

"Tsk. Seryoso ako James!" bulyaw niya kaya umayos ako. "Natatakot akong baka after mong ikasal, magbago lahat. I mean, baka hindi ka na namin makasama lagi, you're our leader so malaking pagbabago kapag nawala ka--"

You Are My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon