SPECIAL CHAPTER: OUR House

211 13 2
                                    

Author's Note

Since special chapter lang toh, di toh ganun kahaba tsaka gaya ng sabi ko sa comment, kulitan moments lang toh ng Angels.

Oh and one more thing! Ang time nitong chapter na toh ay few weeks palang after ng kasal nila Kiane at Jesler, so meaning, di pa nawawala si Baby Aj at mas lalong di pa ganun kacold si Death. Okay? Okay!

Enjoy!

Kaira's POV

"Uh... So... Let's eat?" awkward na sabi ko habang nasa harap ako ng mesa namin, at pinagigitnaan nila Jesler at Viel!

Viel has been staying here at the Vitalez' estate ever since the wedding. Ni hindi nga niya pinalalapit si Jesler sa kwarto ko eh, kulang nalang talaga matulog yang si Viel nang bukas ang pinto ng kwarto niya kapag gabi para mabantayan ako!

Yup, tama basa niyo! Dito kami ni Jes tumutuloy sa bahay ng parents ko. Kasunduan daw nila ni kuya na hanggat di pa kami graduate, bawal pa kaming magsolo. So almost six months pa ang titiisin ni Jesler para makauwi siya sa condo niya. Actually pwede naman siyang dun sa unit niya matulog, sadyang ayaw lang din ng selosong toh na iwan ako sa isang bahay kasama si Viel.

"Wife, eat this" malambing na sabi ni Jesler bago lagyan ng pagkain ang plato ko. Nagbibreakfast kasi kami ngayon.

"Sandwich na may gulay? Boooorrriiing! Ito kainin mo little princess! Hotdog tsaka pandesal! Masarap yan" nakangiting sabi naman ni Viel habang nilalagyan rin ng pagkain ang plato ko.

"Wifey, ignore that wife-less dude, and eat what I've put on your plate" mahinahong sabi ni Jesler pero diniinan talaga yung 'wife-less' habang nakasmirk kay Viel. Kita kong medyo nairita si Viel dun.

"Oh please Villanueva boy, don't you know what MY little princess wants to eat in the morning? Mas gusto niya yung simpleng pandesal, itlog at hotdog lang sa umaga. Tsk tsk tsk" mahinahon ring sabi ni Viel pero kitang kitang nang-iinis siya.

"What are you implying then?!? That I don't know my wife more than you do??" kung kanina kontrolado pa yung tono niya, ngayon halata na talagang galit siya.

"Sayo nanggaling yan Villanueva boy! Hahaha" mapang-asar pa ring sagot ni Viel. Nagtatalo silang dalawa habang nasa gitna nila ako kaya di rin ako makakain ng maayos. -_-

"Hinahamon mo ba talaga ako huh Dizon?!?" tumayo na si Jesler at parang hinahamon si Viel na tumayo rin.

"Baka pagsisihan mong pinili mong magstay rito Villanueva!" tumayo na rin si Viel at hinarap si Jesler.

Hindi ako kumikibo dito dahil usual na ang ganyan, nasanay na ako sa kanila, sa araw araw ba namang pag-aaway nila eh. Minsan nga nakakalimutan na nilang kasama nila ko dahil sa pag-aaway nila eh. Mas matindi mag-away tong dalawang toh kesa nung sila Eli at Jes pa ang nag-aaway.

"Bring it Dizon!"

"No, you bring it Villanueva!" hamonan nung dalawa. Napapa-sigh nalang ako sa dalawang toh.

"Kai, if your husband won't shut it, I'll shut him up myself" inis na sabi ni kuya habang sa pagkain lang niya siya nakatingin. Agad na akong tumayo nun dahil nung huling nabadtrip siya kay Jesler, sa labas ng bahay niya pinatulog si Jes! Eto namang si Jes di man lang naisipang umuwi sa unit niya! -_-

"Hubby! Ano, sige na, kakain na ko ng gusto mo. Manahimik ka na, please?" malambing na sabi ko habang pinipigilan siyang lumapit kay Viel.

"What?!? Little princess naman! Wag mong piliting kumain ng ayaw mo--" natigilan siya nang titigan ko siya ng masama. Tong si Viel talaga ang hilig makipagtalo kay Jes! Alam niya kasing siya ang kakampihan ni kuya eh! -_-

You Are My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon