Chapter 32: Wait... What?!

206 7 1
                                    

Adam's POV

Two days have passed and today is the day my twin brother will come home! Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya o malungkot.

Masaya ako dahil makakasama ko na ang kapatid ko, miss na miss ko na kaya siya! Pero natatakot din ako kasi alam kong sa pag-uwi niya, sigurado nang mawawala ang mahal ko, kasi sa kanya na ieengage si Jenny eh.

"The hell?! I've been here for three f*ckin days but I haven't seen Baby AJ's mom!! Where is she?!!" iritang sigaw ni Death. Oo, simula nung lunes (nung sinundo ko si AJ sa school nila) hindi pa siya sinusundo ni Maddison sakin. Ang sabi sa bahay nila, may inaasikaso daw si Maddison kaya di pa makakauwi. Sabi nga nung Mama niya ihatid ko nalang daw dun si AJ at sila ng bahala pero ayaw maghiwalay nitong dalawang bata eh.

"Why? Do you want him to go already? Pag kinuha siya ng mama niya, di mo na siya makikita" tanong ko. Tumahimik nalang siya dun. They became close so fast!

Siguro kung magkasing-edad lang sila, pwede na silang tawaging kambal eh. Para kasi silang kami ni Joe. Si AJ yung sensitive one na parang si Joe while si Death yung sassy one na parang ako.

"Papa! I'm hungry!" sigaw ni AJ habang hinihila yung laylayan ng uniform ko. Naglalakad kami papunta sa Leisure room ngayon. Batas ako sa AU kaya naman pumayag yung guard sa may gate na maipasok ko tong dalawang bata.

"Yeah, I'm hungry too" sabi din ni Death.

"Nak ng tokwa Adam! Englishero yang mga anak mo!" pang-aasar sakin ni Jerry.

"Nose bleed mga tao sa paligid oh" natatawang sabi naman ni Lance.

"Baby AJ!" sigaw naman nila Kaira at Dustin habang papalapit samin.

Niyakap ni Dustin si AJ kahit nagpupumiglas na yung bata. "Hi Death!" sabi ni Kaira kay Death habang pinipisil yung pisngi niya.

"Tss" -Death

"Tigilan niyo na nga yan!" sita ko sa kanila. "Dust, Jer, Lance, mag-utos nga kayo sa mga babae niyo na magdala ng pagkain sa Leisure room, gutom na tong dalawa" sabi ko tapos hinila ko na yung dalawang bata papuntang Leisure room. Sumunod naman sila.

Pagkadating namin sa Leisure room, nandun na lahat ng Angels, pati mga GD nandun na pero wala ni isang Cuties, well, si kaira lang pala.

"Anong oras daw dating ni Joe?" tanong ni Nick sakin.

"I dunno. Ni ayaw ngang magpasundo ng loko eh" sabi ko. Umupo na sila Death at AJ sa sofa.

"Mukhang magkasundo na tong magtito huh?" tukoy ni Paul dun sa mga bata. Ngumiti ako. "Yeah, you could say that"

*knock *knock

"Uy may kumakatok! Buksan niyo" sabi ko dun sa mga mas malapit sa pinto.

"Hearthrobs! Kayo na magbukas! Yung mga babae yan na inutusan naming magdala ng pagkain nila Baby AJ" -Jerry

"Eh kayo pala nag-utos eh, kayo na magbukas" -Nick

"Wala kaming gana manglandi ngayon" angal ni Lance.

"Busy ako" sabi naman ni Dustin habang kinakalikot niya yung cellphone niya. Wala ng nagawa sila Paul at Nick kundi tumayo at buksan yung pinto, asa namang mauutusan ang mga Villanueva!

Ilang sandali silang nakipag-usap dun sa may pinto bago nila maisara yung pinto.

"Oh! Grabe yung mga babae niyo! Mga wild! Amp!" sabi ni Nick habang nilalapag yung mga pagkain sa mesa.

"Let's eat Baby AJ" aya ni Death kay AJ. Mukha talaga silang magkuya.

"What up Angels!! Did you missed me?! Ofcourse you miss me!!" nabigla kami nang biglang bumukas yung pinto at pumasok si Joe habang maangas na sinasabi yan.

You Are My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon