Chapter 18: Total Disaster (Part 1)

321 7 2
                                    

Kaira's POV

Nandito kami ngayon sa condo nila Spencer. Dito ako pinatulog ni Spencer para daw hindi makaalis si Dustin at hindi makainom dahil may lakad ang buong barkada bukas.

Ang epic nga ng ginawa ni Spencer eh. Bakit kamo?! Kasi ganito lang naman yung pananakot na ginawa niya sa kawawang si Dustin.

FLASHBACK

"Hoy Dustin!! Saan ka na naman pupunta?!" sigaw ni Spencer nang makitang nakabihis na naman si Dustin. Kararating ko lang kaya naman di ko alam kung anong meron. Basta hinatid nalang ako ni Viel dito eh. Nakakapagtaka nga kasi siya pa mismo yung naghatid saying Spencer called him and asked him a favor.

"Kai! Anong ginagawa mo dito?!" gulat na tanong niya nang makita ako imbis na sagutin si Spencer.

"Dito siya matutulog" sagot ni Spencer kaya naman ngumiti nalang ako kay Dustin.

"Talaga?!" excited na tanong niya.

"Oo! Kaya wag kang umalis dahil kaya siya matutulog dito ay dahil sayo" -Spencer

"Pero--"

"Sige Dustin, subukan mong iwan si Kaira dito kasama ko. Sige lang, pero wag mo kong sisisihin kapag may nangyaring masama sa kanya huh" nakangiting demonyo si Spencer habang sinasabi yun.

Hinila ako ni Dustin papalapit sa kanya. "H-hindi ka naman ganun eh" parang batang depensa ni Dustin.

"Gusto ko si Kaira, Dust. Wag mong kakalimutan yan" lumapit sakin dahan dahan si Spencer kaya naman mas inilapit ako ni Dustin sa kanya.

"At kaya kong gawin lahat, maging akin lang siya. Even if it means I'll have to rape her, I'll do it if I had the chance" ang husky ng boses ni Spencer nang sabihin niya yun kaya kahit ako kinilabutan nang marinig yun.

"H-hindi na ako aalis!! Basta lumayo ka sa kwarto ko!! Dun matutulog si Kaira!! Dito ako sa sala para mabantayan ko siya!!" sigaw ni Dustin tapos pumasok na siya sa kwarto niya at, I think, nagbihis na.

Tumingin ako kay Spencer. "Oh sandali Kai!! Hindi ko gagawin sayo yun! Tinakot ko lang si Dustin para di umalis, kasi iinom lang yun for sure, baka di pa makasama bukas, sira plano nila Adam nun" paliwanag niya. Nakahinga naman ako ng maluwag dun.

"Iba na takbo ng utak mo Spencer! Tinakot mo ko dun" nakapout na sabi ko.

"Haha, actually idea ni Viel yun. Tinanong ko kasi siya kung anong pwedeng pangblackmail, mukha kasing master yun pagdating sa pananakot eh"

Kaya naman pala ang epic eh. Kasi yung mga sinabi ni Spencer kanina, it's so not him at all!!

END OF FLASHBACK

Oh diba?! Baliw talaga yung si Viel, mamaya niyan mahawaan niya si Spencer eh!

"Hays" pabagsak akong humiga sa kama ni Dustin. Ipinikit ko ang mga mata ko, pero agad din akong napadilat nang may nagflashback sakin.

Si James. Ang mukha niya nung mga oras na sobrang lapit niya sakin. Anong nangyari pagkatapos niya akong hilahin papasok ng club niya? Eto lang naman.

FLASHBACK

"A-ah, ano--" magpapalusot palang sana ako pero bigla niya akong hinila papasok sa club niya!

Sobrang lapit ng mukha niya sakin. Ramdam ko pati paghinga niya! Mukha siyang may iniisip pero ilang sandali lang, unti unti na siyang tumingin sakin. Sobrang lapit niya, namiss kong ganito siya kalapit.

Nakatitig lang kami sa isa't isa. Hindi ko alam kung bakit pero kusa nalang akong napapikit. Then seconds after, I felt his lips on mine.

Ilang segundo ang lumipas bago kami parehong matauhan, naitulak ko nalang siyang bigla at lumabas na ako ng kwartong yun.

You Are My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon