Chapter 51: AJ's Birthday

271 6 1
                                    

Kaira's POV

Gabi na pero nasa byahe pa rin kami papauwing Cavite. Hinatid na namin si Soul sa bahay nila sa laguna, gusto sana niyang sumama sa Cavite pero tinaboy na siya ni Death. Ang bait na kaibigan ni Death, promise! -_-

Nagpapahinga na halos lahat ng kasama namin, tulad ng pwesto kanina yung pairings ngayon. Napagod kaming lahat, pero masaya naman.

"Uy Adam, matulog ka na rin muna, ako na titingin kila Aj" nakangiting sabi ko, alam ko kasing napagod si Adam sa pagbabantay kay Aj.

"Di na, ikaw tong matulog na. Kanina ka pa wala sa sarili mo eh" pagtanggi niya. Kanina pa nga akong may iniisip. Hindi pa rin kasi maalis sa isip ko si Eli eh.

"Hindi pa naman ako inaantok eh" sagot ko, kahit ang totoo, ayoko lang talagang matulog, alam ko kasing sa kakaisip ko kay Eli, mapapanaginipan ko na naman siya eh.

"Oh, kain nalang muna tayo" nakangiting sabi niya sabay lapag ng chips sa lap ko. Ngumiti nalang ako at binuksan na yun.

"Hm! Kai, may ipapakita nga pala ako sayo" excited na sabi niya tapos kinuha niya yung bag niya tapos nagkalkal na dun.

"Maganda ba?" tanong niya pagkabukas niya ng isang box. Nakakita ako ng dalawang kwintas dun.

"AJC? DrC?" takang tanong ko pagkakuha ko nung mga kwintas. Yun kasi yung mga letters nung pendant. Ang ganda nung font, simple lang siya pero ang ganda!

"Adamson Joe Cruz and Death Reaper Cruz" nakangiting sagot niya.

"Maganda siya. Pero bakit maliit yung 'r'? Nagmukha tuloy na Dr. C ang basa" nakapout na puna ko. Binalik ko na sa kanya yung mga kwintas.

Napakamot siya ng ulo. "Oo nga eh, kahapon ko lang kasi kinuha toh. Wala ng time para mapapalitan ko, ang abnormal naman kasi nung gumawa eh"

"Bakit wala ng time? Kelan mo ba balak ibigay sa kanila yan?"

"Sa birthday ni Aj"

"Kelan?" O.o

"Bukas" simpleng sabi niya. Nanlaki naman ang mata ko nun.

"Buka--?!" tinakpan niya ng palad niya ang bibig ko nang muntik na akong mapasigaw.

Birthday ni Aj bukas?!! Seryoso ba siya??

"Oo, third birthday ni Aj bukas. Medyo malungkot nga siya kasi first time niyang magbibirthday nang wala ang mama niya. Hindi naman kasi matanggihan nila Maddison yung regalo nila Papa, hindi rin nila maisama si Aj kasi nag-insist si Papa na sila lang dalawa ang umalis" malungkot na paliwanag niya.

Wala akong masagot! Hindi kasi halatang malungkot si Aj, kanina, ang saya saya niya kaya hindi ko akalaing malungkot siya.

"Hindi alam ng kahit sino sa barkada bukod samin nila Joe at Death na birthday ni Aj bukas. Ayoko na rin munang sabihin kasi baka mas malungkot yung bata kapag nagpaparty nang wala ang Mama at Papa niya" paliwanag niya habang inaayos na pabalik yung mga kwintas sa box nila.

"Hm, edi pasayahin nalang natin si Aj kahit walang party" nakangiting sabi ko.

"Eh pano naman? Kanina masaya naman na siya nung nasa pool tayo, eh pano bukas?" tinago na niya yung box tsaka siya tumingin sakin.

"Nakalimutan mo na atang may pool sa likod ng bahay ni Eli?" taas kilay na tanong ko. Sandali siyang natigilan tapos bigla siyang napangiti.

"Tutulungan mo naman akong libangin siya habang nagluluto yung mga dragon diba?"

"Oo naman"

Tapos ayun, pinag-usapan na namin yung gagawin namin para bukas hanggang sa makaramdam na ko ng antok.

You Are My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon