Chapter 20: Let's Talk

286 9 4
                                    

James' POV

Spell badtrip. A-K-O! Nakakabadtrip na nga yung fact na kaya ko lang nagawang ipakain yung wasabe sa kanya ay dahil sigaw ng sigaw yung Saviel na yun, mas nakakabadtrip pa na nagkasagutan kami ni Kiane just because of what I did to that b*stard!! Idagdag niyo pa yung epic fail na ginawa ng kakambal ko!! Ang ganda na sana ng plano nila eh, pero naman, dapat siniguro muna nilang nasa bawat kwarto yung mga ikukulong nila!!

"Hays" napasandal nalang ulit ako sa inuupuan ko at napahimas sa sentido ko habang nakapikit. Ang sakit sa ulo ng mga nangyayari.

"Di mo kasi dapat ginawa yun" bigla akong napatingin sa tabi ko, nakita ko si Dustin sa kabilang silya.

"I just did what you said. Use being the black angel as an excuse when I'm pissed at him" inis na sabi ko. Totoo naman eh, yung 'advice' niyang yun ang ginawa ko kaya kami nagkasigawan.

"Galit si Kaira sayo diba? Malamang dapat naisip mong hindi ka niya kakampihan kung ang idadahilan mo lang eh nabored ka" sermon niya sakin.

"So mali lang yung dahilan ko?" kunot noong tanong ko.

Tumango siya. "If you just said that you didn't knew that it was actually wasabe and you're just being nice and all, hindi magagalit ng ganun si Kaira" paliwanag niya. Tumango nalang ako.

"You should go" biglang sabi niya na ikinalingon ko.

"Where?"

"Where else? Of course to her! I know you want to! Dali na!"

Gusto ko ba talaga siyang puntahan dahil galit siya ngayon? Gusto ko ba talagang magsorry sa inasal ko? NO!!

No? Pero bakit ako tumayo at naglalakad na ngayon papunta sa kwarto nila ni Viel?! F*ck! What am I doing?!?

Nakatayo na ako sa tapat ng pinto nila ngayon. Kakatok na sana ako pero naisip ko, kung kakausapin ko siya dahil lang nagkasagutan kami, baka isipin niyang ok na kami at baka mangulit na naman siya sakin?? Hindi ko kakayanin kapag nangyari yun!!

Patalikod na sana ako nang biglang bumukas yung pinto. Nakita ko si Saviel.

"Why are you here?" masungit na tanong niya.

Napakamot ako ng ulo. "Ahmm..--"

"If you're looking for my little princess, she's not here. Why don't you check on the beach? She might be there" mabilis na sabi niya at bago pa man ako makatanggi o makapagreact, sinara na agad niya yung pinto.

"Tss" yan nalang ang nasabi ko. Di ko nga siya gustong kausapin diba?! Pero eto ako ngayon at papuntang beach para tignan kung nandun nga siya. -_-

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko siya na nakaupo sa buhanginan. Yakap yakap niya ang mga tuhod niya. Lalakad nalang sana ako palayo sa kanya nang mapansin kong umiiyak siya.

Eto na naman ako, gumagalaw nang hindi pinag-iisipan ang mga kilos ko. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

Nagulat siyang tumingin sakin. "Let's talk" let's talk?! Not cool James! Tss!

"Just leave James" simpleng sagot niya. Tatlong salita lang ang sinabi niya pero nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko.

"You're mad at me. I...I'm sorry" pagkasabi ko nun, napatingin siya sakin.

"Will you please quit it?!?" nagulat ako nang tumaas ang tono ng boses niya.

"Quit what?"

"Lahat nang toh!! Tigilan mo na James!! One minute you're gonna push me away then the next minute you're pulling me back!! Pagod na ko James!! Tigilan mo na!!" sigaw niya. Napatayo na kami.

You Are My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon