Chapter 25: Something Different

241 6 4
                                    

Kaira's POV

"Kai!" nagising ako sa malakas na sigaw ng isang lalaki. Tapos naramdaman ko nalang na may umupo sa kama.

"Hm, natutulog pa ako James!" sigaw ko tapos tinakpan ko ng unan ang mukha ko, di ko na kailangang tignan kung sino, kasi alam ko namang si James yun.

"A-ha-ha, James ka dyan? Si Spencer kaya toh! Gumising ka na nga!" sabi niya sabay kuha nung unan sa may mukha ko.

Napatingin ako sa kanya. Ilang segundo akong napatitig sa kanya. "Problema mo Kai?" tanong niya.

"Spencer?" paninigurado ko.

"Mukha ba akong si James? Kai naman! Kung ako si James, Kiane ang itatawag ko sayo noh! Tara na nga! Anong oras na oh!" nakangiting sabi niya sakin at tumayo na siya at naglakad papalabas.

Natulala lang ako dun sa likod niya. Spencer?!? Nakaayos ang damit niya pati ang buhok niya, ang ganda din ng smile niya kanina. So si Spencer nga siya. Nagkamali lang ako.

Inayos ko na ang sarili ko tapos lumabas din agad ako ng kwarto. Nakita ko si Spencer sa may kusina ni James.

"Asan si James?" tanong ko bago umupo sa may dining table.

"Pumasok na? Eh? Ang aga naman ata?" nagsimula na akong kumain.

"Sabi ko sa kanila, di muna tayo papasok ngayong araw. Late na late na tayo kung papasok pa tayo Kai" nakangiting sagot niya. Napatingin ako sa wall clock at nakitang dalawang oras na nga kaming late!

"Bakit?! Ano na namang pumasok sa utak mo Spence?!" gulat na tanong ko.

Nagkibit balikat siya. "I told you last night that I'll take you to Elijah, right? Kaya naisip kong wag na pumasok para masulit mo yung time" sabi niya habang ngumunguya.

"Pero baka magalit sila Makki, dapat ata sabay sabay kami eh" nakapout na sabi ko.

"They already went there bago magstart yung klase kanina. Maaga nilang dinalaw si Elijah"

"Pero--"

"Magiging masaya pa rin naman si Elijah kahit di kayo sabay sabay na bumati sa kanya sa birthday niya diba? Magkakahiwalay man, atleast lahat kayo naalala yun" sabi niya at kumain na ulit. Natulala na naman ako sa kanya.

"Spencer, sinabi nila sayong birthday ni Eli ngayon? Nasabi nila yun? Nang hindi naiiyak?" tanong ko. Kagabi kasi, nung tumawag si Makki sakin, alam kong lasing siya at umiiyak. Kaya nakakapagtaka na nasabi nila yun kay Spencer, as much as possible kasi, ayaw nilang makita ng mga Fallen Angels na umiiyak na naman sila.

"Huh? Hindi" inosenteng sagot niya.

"Kung ganun, pano mo nalamang birthday ni Eli ngayon? Sa pagkakatanda ko, hindi niyo pa naman naabutan na birthday niya simula nung nagkaayos ang Angels at Dragons" tanong ko na ikinasamid niya. Agad siyang uminom ng tubig.

"Ah ano... Sinabi ni James kagabi! Sinabi mo sa kanya na birthday ni Elijah ngayon. Kaya nga kita tinext kagabi kasi malungkot ka daw sabi ni James" paliwanag niya. Tumango nalang ako.

"Nga pala, ikaw nagluto nito?" turo ko sa mga pagkain sa harap namin.

Tumango naman siya. Liningon ko ang lababo sa kusina ni James at nakita ang mga maruruming gamit.

"Pinayagan ka ni James na magluto sa kusina niya? Nang wala siya?" taas kilay na tanong ko. Knowing James, he'll freak out kapag may ibang gumamit ng kusina niya lalo na pag walang permiso niya!

"Nagpaalam ako Kai" simpleng sabi niya kaya naman tumahimik nalang ako. I'm being paranoid here. I need to stop.

Pagkatapos naming kumain, umalis agad kami sa unit ni James. Dumaan muna kami sa mall para makabili ng mga bulaklak.

You Are My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon