Chapter 4: Smile

316 10 1
                                    

Kaira's POV

Pagkatapos ng game, hindi agad kami nakaalis kasi yung mga fangirls nitong mga lalaking toh, ayun, nagpapicture pa sa kanila. Yung iba namang fangirls nila, kuntento na sa stolen shots nila.

Lumabas muna ako ng gym para sana hanapin si Eli, pero bigla akong tinawag nila Jason at Nate.

"Kai-kai!" sigaw nila, lumapit sila sakin.

"Oh? Buti di kayo nilalapitan ng mga fans niyo? Haha nakakatakot kasi kayo eh" natatawang sabi ko.

"Ako?! Nakakatakot?! Si Jason lang kaya yun!" sabi ni Nate sabay turo kay Jason.

"Atleast di nila ako nagugulo diba?" masungit na sagot ni Jason.

"Haha, ay teka, asan na sila Eli? Nakita niyo ba?" tanong ko.

"Nauna na silang umuwi, sumama raw ang pakiramdam ni pinuno eh" sagot ni Jason.

"Ok na daw ba siya? Ano?! Baka kung ano ng--" napatigil ako sa pagpapanic nang hawakan ni Nate ang magkabilang balikat ko.

"Kai! Ok lang siya. Nagpapahinga na yun sa bahay niya" pagpapakalma sakin ni Nate.

"So, kayo ang maghahatid sakin?"

"Huh? Eh pinapasunod kami ni Makki sa bahay ni Eli eh, si Spencer ata ang maghahatid sayo?" -Jason

"Si Spencer?! Guys naman! Ba't kay Spencer pa?! Di ba pwedeng si Dustin nalang ang kausapin niyo?! Ay teka! Ako nalang kakausap dun--"

"Kai, ang utos ni Eli, si Spencer ang maghatid sayo" -Nate

"Kaya dapat, si Spencer ang maghatid sayo" -Jason

"Wag na! Ako nalang uuwi mag-isa!" pagtanggi ko.

"Pero Kai--"

"Ayaw mo ba kong makasama?" napalingon kami sa may exit ng gym at nakita si Spencer. Ang lungkot ng mukha niya.

"Huh? Ano...Hindi noh! Ayoko lang makaabala, I mean, baka kasi may girlfriend ka na magagalit diba?" pagpapalusot ko.

"Ever since nabusted ako sayo, wala pa akong ibang nililigawan" lumapit na siya samin.

"Ahm, pano... Una na kami Kai" sabi ni Nate.

"Oo nga, hinihintay pa kasi kami ni pinuno eh, ge Spencer, ikaw nang bahala sa kanya. Bye" sabi naman ni Jason at sabay na silang tumakbo paalis. Mga pashineya sila! -_-

Ilang sandali kaming natahimik ni Spencer dun. Nakatayo lang kami at di nagsasalita, ni hindi kami nagtitinginan.

"Ahm, tara hatid mo na ko" sabi ko tapos naglakad na ako patungong parking area. Pero napatigil ako nang hawakan niya ang braso ko.

"May problema ba Spence?"

Huminga siya ng malalim bago magsalita. "You're mad at me, aren't you?" malungkot na sabi niya.

"Ano ka ba?! Bakit naman ako magagalit sayo?!" humarap ulit ako sa kanya.

"Kai, alam kong galit ka dahil sa naging desisyon ko, pero nagawa---"

"Hindi ako galit Spencer. Siguro, hindi pa matanggap ng puso ko na nagawa mo yun, pero iniintindi ng utak ko na nagawa mo lang yun dahil ayaw mong makitang nahihirapan ang kapatid mo"

Nabigla nalang ako nang makita kong may luhang tumulo mula sa mata niya!

"Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko nun eh!! I wanted to believe that you'll come back for him!! Pero gulong gulo ako kung bakit hindi kayo nagparamdam!!" sigaw niya.

You Are My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon