Chapter 44: History Repeats Itself

238 9 5
                                    

Viel's POV

Gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Nakailang ikot na ako sa kama ko pero hindi pa rin ako mapakali.

Hanggang sa may maisip akong gawin. Usually, kapag nakausap ko na siya, makakatulog na ako. Tumayo ako at umalis ng bahay. Nagdrive ako patungo kung saan.

Malalim na ang gabi kaya malamig na. Pinark ko ang motor ko kahit medyo malayo pa kung nasaan siya. Naglakad nalang ako.

Nakapamulsa pa ako habang naglalakad. Kailangan ko lang siyang makausap, para makapagpahinga na ako.

Napatigil nalang ako ilang hakbang mula kung nasaan siya nang marealize kong may kumakausap sa kanya.

Si Villanueva boy, nakaluhod sa harapan niya ngayon. Lumapit pa ako ng konti para marinig ang sinasabi ni Villanueva sa kanya, at dun ko lang narealize na umiiyak siya ngayon. Umiiyak si James Villanueva sa harap ng kapatid ko ngayon. At mas nakakapanghina nang marinig ko na kung ano ang sinasabi niya kay Eli.

"I never thought I would actually want you back Dizon... I want you back in our lives!!... Because if you were the one I'm competing against, I can win!!... I can win against you... But I can never win against your brother!! So please Eli!! I beg you... Just come back... Please come back Eli" his voice almost breaking. For the very first time, an Angel called my brother 'Eli', not Elijah, not Dizon, but Eli.

Kaming mga malalapit lang sa kanya ang tumatawag sa kanya ng Eli. Kaya napakaunusual na tawagin siyang Eli ni Villanueva.

Biglang humiga si Villanueva sa tabi ng puntod ng kapatid ko. Lasing ba siya?! Para kasing wala siya sa sarili?

"Alam mo Eli, alam ko na yung pakiramdam mo dati... Yun bang nagkaron ka na ng napakaraming pagkakataon para maangkin siya, pero hindi mo ginawa kasi... Kasi may humahadlang... Tapos ngayong may iba ng nagmamay-ari sa kanya, dun ka magsisisi na hindi mo siya inangkin... Na hindi ka nagpakaselfish para masolo siya" umiiyak pa rin siya habang nakatingin sa langit.

"Kung naririnig mo ko Elijah, pwede bang... Pwede bang tulungan mo kong makuha siya ulit??... Kasi habang tumatagal... Nawawala na rin ako sa sarili eh... Natatakot ako!... Natatakot akong paggising ko isang araw... Maulit na naman yung nangyari nung nawala kayo... Natatakot ako di lang para sa sarili ko... Natatakot ako para sa mga tao sa paligid ko lalo na kay Kiane... Baka kasi kapag nakita niya ko, malungkot siya at sisihin ang sarili niya" lumakad ako papalapit sa kanya.

Pero agad na namang napatigil nang marinig ko ang sunod na sinabi niya.

"Pero kung hindi mo talaga mapapakiusapan si God na ibahin ang istorya namin... Pwede bang ipabalik mo nalang yung amnesia ko??... Mas gugustuhin ko kasing makalimutan siya... Pakawalan siya ng ganun lang... Kesa sisihin niya ang sarili niya habang buhay sa pwede kong gawin..." sandali siyang tumigil at tinakpan ng braso ang mukha. Nahihirapan na siyang magsalita.

"Aha-ha-haha... Sinong matinong tao ang hihiling na ibalik ang sakit niya matapos niyang gumaling??... Sa tingin ko rin kasi Eli... Mas ok na yung sakit na yun, kesa sa sakit na mararamdaman ko dito oh" sabay turo niya sa dibdib niya, malapit sa puso.

"Hayss" napatitig nalang siya sa langit.

Ilang minuto akong naghintay bago lumapit.

Tulog na siya. May luha pa rin sa pisngi niya. Umupo ako sa tabi nilang dalawa ni Eli.

"Ang daya daya mo Eli. Pumili ka ng isang taong sobrang kagaya mo... Hindi pa ba sapat yung pagpaparaya ko noon para pumayag kang ibigay siya sakin?? Hindi pa rin ba ako karapat dapat para sa prinsesa mo??... Ano bang kailangan kong gawin para mapapayag kita?? Lahat ng sakit tiniis ko para sayo... Hindi ba pwedeng ako naman yung pagbigyan mong sumaya ngayon??... Mahirap ba yun Elijah?" this time ako naman yung mukhang tangang umiiyak habang kinakausap ang isang taong hindi na pwedeng sumagot.

You Are My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon