Chapter 60: Let's NOT Fall In Love

357 8 24
                                    

Kaira's POV

Nagising akong nasa bahay na. Agad akong napabangon sa kama ko.

"You're finally awake" nakangiting mukha ni Viel ang bumungad sakin sa gilid ng kama ko.

"Ba't andito na tayo sa bahay?" tanong ko. Bigla niyang ginulo ang buhok ko.

"You should've called me when you needed me. Di yung iba pa tumawag sakin. Bukod sa pagiging fiance mo, para mo na rin akong kuya diba? Kaya natural lang na tawagan mo ko kapag di mo na kayang mag-isa. Tinuruan kitang maging independent pero wag mo namang kalimutang nandito lang ako" seryosong sabi niya habang nakatingin diretcho sa mga mata ko.

Napaiwas nalang ako ng tingin. "Sorry" mahinang sabi ko. Ginulo niya ulit yung buhok ko kaya napalingon na ko sa kanya.

"For what?! Di ka dapat nagsosorry nang walang dahilan" nakangiti ng sabi niya kaya ngumiti na rin ako.

"Tara" aya niya.

"Saan?"

"Manonood dapat kami ni Rika ng movie, pero napasugod ako pabalik ng school when Dustin called me. Kaya you owe me a movie" sabi niya habang hinihila ang kamay ko. Tumayo na ako at nagpahila na sa kanya.

"Eh? Pupunta tayong mall? Anong movie naman panonoorin natin?" takang tanong ko.

"Hahaha, tagal mong nakatulog eh, hapon na, balik muna tayong school. Baka mapagalitan ako nung coach eh, malamang nagpapractice na sila" malambing na sabi niya kaya naman tumango nalang ako.

Pagkarating namin sa AU, diretcho kami sa gym, di pa man kami nakakapasok, rinig na agad ang ingay sa loob.

"Faster!" inip na sabi ni Viel at hinawakan na ang kamay ko para hilahin ako papasok. Late na nga siya, nagsisimula na silang magdrills eh.

"Kai, ayos ka na ba?" mabilis na lumapit sakin si Dustin at hinila ako, hindi naman umangal si Viel kasi dumiretcho na siya sa cr para magpalit.

"Ah, oo naman. Bakit naman hindi?" pilit ang ngiting sagot ko.

Pinitik niya yung noo ko kaya nagulat ako. "Oo?! Ok ka? Kaya pala medyo namamaga pa yang mata mo" inis na sabi niya.

"Magtatanong ka tapos di ka maniniwala? Yan tayo Dust eh" nagkunwari akong nagtataray para di na siya magtanong pa.

"Whoa! Ang ganda ng sapatos ni Viel huh! Bigay mo Kai?" napalingon ako nung biglang sumigaw si Makki sa gilid namin, nandito pala mga GD, tumingin ako sa tinitignan niya. Si Viel na nagmamadaling tumakbo papunta sa side namin habang inaayos pa yung jersey niya.

Ngumiti siya sakin sabay abot ng bag niya tapos bigla niya akong hinila papalapit sa kanya at hinalikan sa noo. "Yup, I got these from her, ganda noh?" ang lapad ng ngiti niya habang nakikipag-usap kay Makki kaya tinignan ko yung sapatos niyang pinag-uusapan nila at nanlaki nalang ang mga mata ko!! Yan yung regalo ko kay Jesler!!

"Vie--" sisigawan ko na sana siya pero agad na siyang tumakbo papunta sa mga kateammates niya.

"Hahaha, it perfectly fits him noh Kai?" nilingon ko si Dustin, he's looking at Viel with wide smile.

"Dust! Anong 'it perfectly fits him'?! You know that's for--" natigil ako nang bigla niyang inilingon ang ulo ko para mapatingin kay Viel. Pinagmamayabang ni Viel sa mga kateammates niya yung sapatos niya, tuwang tuwa siya habang pinapakita sa kanila toh.

"You sure you really wanna tell him that those shoes aren't for him?" natahimik ako sa tanong niya. Ang saya saya ni Viel tignan ngayon.

"Pano--"

You Are My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon