Dustin's POV
Nak ng tokwa naman oh! Badtrip na nga dahil wala ng time para sakin si Thalia, kukunin pa ni James si Kaira!! Eh kaya na nga lang ako nalilibang dahil sa pag-aalaga kay Kaira eh!
Oo! Ang isang Dustin Drake Villanueva ay nagseselos ngayon!! Alam kong mahirap paniwalaan na ang isang dating casanovang katulad ko eh nakakaramdam ng matinding pagseselos ngayon, pero wala kayong magagawa!
Naglalakad na ako papuntang parking lot mag-isa, dahil di ko na naman kasabay ang girlfriend ko, nang makita ko si Kaira na naglalakad na parang walang buhay. Akala ko ba pasasayahin siya ni James kahit konti?! Eh ba't parang mas nawalan ng dahilan toh para mabuhay?!?
Yakap niya ng mahigpit yung Mickey Mouse na bigay namin pero tulala lang siya!
"Kai!" sigaw ko pero parang hindi niya ako narinig at nagdiretcho lang sa paglalakad. Kaya naman no choice ako kundi ang habulin siya.
"Kai" napatigil siya sa paglalakad nang hawakan ko siya sa braso. "Anong ginagawa mo dito? Nasan si James?" at pagkabanggit na pagkabanggit ko ng pangalan ng pinsan ko, nagsimula ng tumulo ang mga luha niya! Ano na naman bang nangyari sa kanila??
Wala nalang akong nagawa kundi yakapin siya. Yakapin siya ng sobrang higpit para hindi niya maramdamang nag-iisa siya.
"Wala na Dust... Bumitaw na ko... Binitiwan ko na yung nag-iisang bagay na pwedeng magpasaya ulit sakin" sabi niya habang patuloy sa pag-iyak.
Ba't ganun?! Ito naman yung matagal ko nang sinasabi sa kanya diba?! Yung hayaan nalang ang pinsan ko dahil wala na yung ginawa kundi saktan siya pero ba't ngayong bumitaw na siya... Ba't parang nasasaktan akong makita siyang malungkot?! Bakit ang gusto ko nalang tuloy gawin ay pag-ayusin sila?!?
Ang gulo rin talaga ng utak ng tao! Kapag malabong mangyari, hinihiling mong mangyari, pero kapag nakuha mo na yung gusto mo, wala ka ng ibang hihilingin kundi sana hindi nalang nangyari yun.
"Sa kotse na tayo mag-usap" sabi ko tapos dinala ko na siya sa kotse ko. Pagkapasok namin, pinaandar ko na agad.
"Ano na namang ginawa ng g*gong yun?!?" galit na tanong ko.
"Wag kang magalit sa kanya Dust. Wala siyang ginawa. Ang totoo nga niyan, gusto lang niya akong mapangiti kanina... Pero ayoko na eh, pagod na ko... Pangingitiin niya ako, pero pagkatapos nun, masasaktan na naman niya ako... Tama na toh" sabi niya. Napabuntong hininga nalang ako.
"Pagod ka na, diba sabi mo?" tanong ko habang nagdadrive. Napatingin ako saglit sa kanya at nakitang nagnod siya.
"Then why did you let go?! Pagod ka lang Kai, kapag napapagod ang isang tao, nagpapahinga lang dapat siya. Kapag nagsawa ka na, dun ka bumitaw" napatigil siya nang sabihin ko yun.
I can't believe I'm trying to flame up her hopes again. I used to put out those flames for her sake but I guess I'm just a normal person aftet all, an ironic one.
Tumigil kami sa isang cake shop.
"Why are we here Dust?" tanong niya nang mapansing tumigil kami dun.
"Naisip ko lang na baka napapagaan pa rin niyan ang pakiramdam mo whenever you're sad. You really need sweets right now Kai"
Tumingin siya sakin pero hindi sumagot, ni hindi ngumiti. Bumaba siya ng kotse ko at nagdiretcho sa loob, hawak pa rin niya yung stuff toy niya.
Pagkaorder ko, bumalik agad ako sa kanya. We were silently eating our cakes when she suddenly talked.
"So... What is she like?" nang tignan ko siya, nakita ko ang isang walang emosyon na mukha, pero nang matitigan ko ang mga mata niya, dun ko nakitang... NASASAKTAN SIYA. Other people may think she's emotionless right now, but I can clearly see pain in her eyes.
![](https://img.wattpad.com/cover/23881168-288-k307538.jpg)
BINABASA MO ANG
You Are My Gangster Bestfriend
Fiksi RemajaMahirap daw magmahal ng taong may mahal ng iba? OO, mahirap! Mas mahirap daw magmahal ng taong may mahal ng iba, at kaibigan lang ang tingin sayo? OO, mas mahirap! Pero ang PINAKAMAHIRAP sa lahat, ay yung magmahal ng taong HINDI KA NAAALALA! Paano k...