Chapter 15: An Excuse

299 10 0
                                    

Kaira's POV

Nagmamadali akong pumunta sa unit nila Spencer. Tinawagan niya ako at sinabing kailangan ako ni Dustin ngayon.

"Dust!" hinihingal kong sigaw pagkapasok ko ng unit nila.

Nakita ko sila Spencer sa may sofa. Buo ang Fallen Angels ngayon. Nakita ko si Dustin na nakaupo sa may sofa, tulala at parang tinanggalan ng buhay. Para bang nung time na nasa beach house nila kami three years ago, pero ngayon, mas malala.

Lumapit ako sa kanya. "Dust" tawag ko pero tulala lang siya.

"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ko kay Spencer.

"Thalia broke up with him" simpleng sagot niya.

"Bakit?!"

"Dahil sa kanya" turo ni Adam sa babaeng nakaupo sa kabilang sofa. Ngayon ko lang siya napansin, at nakabalot lang siya sa kumot! Nakayuko siya, malamang nahihiya.

"Kanina pa tulala si Dustin Kai, kaya pinatawag ka na namin. Hindi na kasi namin alam ang gagawin eh, hindi na namin alam ang dapat sabihin" sabi ni Nick.

Ngumiti ako ng konti sa kanila, at walang salita, niyakap ko si Dustin. He needs it more than any word.

Tapos para bang magic, naramdaman ko nalang siyang umiyak.

"Ano bang nangyayari satin? Si Dustin at Thalia nagbreak. Si Jerry at Jessie, mas lumala. Ang mga GD namatayan tapos may problema pa" malungkot na sabi ni Lance.

Natigilan ako nang humiwalay si Dustin sa yakap. Pinunasan niya ang pisngi niya. Tumawa siya, isang mapait na tawa. "Aha-haha, ano pa nga bang nangyayari?! Edi kinakarma na tayo sa ginawa natin kay Kaira" sagot niya kay Lance.

"Dustin ano bang sinasabi mo dyan?!" pagpapakalma ko sa kanya.

"Totoo naman Kai eh! Tignan mo kaming mga nakakaalam ng nangyari, puro problema ang dumarating! Pero si James na walang alam, walang problema!" sigaw niya. Tinitigan lang siya ni James at hindi sumagot.

"James" biglang dumating si Liane at lumapit kay James.

"Dustin tumigil ka na" awat ko sa kanya. Tumayo na kasi siya nung makita si Liane.

"Eto pa ang hindi ko maintindihan eh!! Bakit itong Liane na toh, walang problema?! Eh kung tutuusin siya nga ang may pinakamalaking kasalanan dito sayo eh!!" sigaw niya habang tinuturo si Liane.

"Teka Dustin, naiintindihan kong magulo ang utak mo kaya hinahayaan kitang ilabas lahat yan pero wag mo namang idamay ang girlfriend ko sa gulong toh. Eh ikaw tong gumawa ng dahilan para makipaghiwalay sayo si Thalia eh!!" sigaw ni James na inaawat na rin nila Adam dahil napatayo na din siya.

"Wag idamay?! Eh all in all, she's the main reason why we're all suffering eh!!" sigaw ulit ni Dustin.

"Dustin tama na sabi eh!!" sigaw ko sa kanya.

Nagulat nalang ako nang sumigaw ulit siya. "Bakit ka pa kasi bumalik eh!?!" natigilan kaming lahat. Maski si Dustin natigilan sa sinigaw niya.

Napayuko nalang ako. "H-hindi yun ang ibig kong sabihin Kai" magpapaliwanag sana siya pero natigil siya nang may magsalita mula sa pintuan.

"So yun pala ang iniisip niyo sa pagbalik ni Kai-kai dito. Na ginulo niya kayong lahat?" si Viel. Sinabi ko naman sa kanyang hindi na niya kailangang sumunod dito eh!

"Viel" tawag ko sa kanya at tangkang pag-awat na rin.

"Ayaw niyo na siyang nandito? Edi ibabalik ko na siya sa America. Mas magiging madali ang lahat para samin kung ganun" seryosong sabi ni Viel sa kanila.

You Are My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon