Chapter 61: Priority

236 11 10
                                    

Kaira's POV

Maayos naman kaming nakauwi ni Viel kinabukasan. Hindi ko pa rin alam kung anong problema niya at nagiging super sweet siya ngayon. As in!

Hindi yung gentleman kinda sweet pero sweet talaga siya ngayon eh, kinda like Elijah back in the days. Pero di pa rin naman nawawala yung pagkaabnormal niya, in born na yun eh. :p

"Goooood morning" bungad niya pagkapasok niya sa dinning hall namin, nandito kasi ako sa bahay ng parents ko.

"Morning" simpleng sagot ko sa kanya. Umupo siya sa tabi ko at agad naman siyang hinainan ng pagkain ng mga kasambahay.

"Aga mo ata? Magpapractice ka?" takang tanong ko. Bukas na kasi yung start ng sports fest.

"Nope. Alam mo namang ayokong sinasagad ang katawan ko eh. Manonood lang tayo ng laro nila" sagot niya habang kumakain.

"Hmm, ok" simpleng sagot ko.

Tumigil siya sa pagkain at humarap sakin. Nakakunot ang noo niya kaya nagtaka ako. Magtatanong na sana ako nang bigla niyang hipuin ang noo ko tapos ang leeg ko. "Medyo mainit ka huh? Wag ka nalang kayang pumasok? Kaya pala medyo matamlay ka" nag-aalalang sabi niya.

Umiling ako at ngumiti sa kanya. "Wala toh. Kaya kong pumasok, don't worry"

"Pero--"

"Alam kong nag-aalala kang baliw ka, pero wala talaga toh Viel, naulanan lang tayo kahapon kaya siguro inuubo ako, pero trust me, wala toh" pagpigil ko sa kanya.

"Tss. Sorry" nakapout na sabi niya. Kumunot ang noo ko kaya nagsalita agad siya. "Kasalanan ko kung bakit nagpaulan ka... Sorry" parang batang hinging tawad niya habang nakayuko. Ginulo ko yung buhok niya at ngumiti ako sa kanya nang lingunin niya ako.

"We just had fun. Wala kang kasalanan" pagpapagaan ko ng loob niya.

Umayos siya ng upo. "Basta wag ka nalang masyadong magpagod today, baka di ka pa makanood ng game bukas" seryosong sabi niya.

"Manonood ako kahit pa tumaas ang lagnat ko" pabirong sagot ko, sinamaan naman niya ako ng tingin kaya nginitian ko nalang.

Dustin's POV

"Oy, if he's not gonna play, why did he come here?" masungit na tanong ni James samin ni Spencer. Nilingon namin yung kanina pang pinapatay ni James sa isip niya at nakita namin si Viel, katabi si Kaira.

"Bakit ba pinapansin mo sila? Magpractice na nga lang tayo" natatawang pang-aasar ni Spencer sa kakambal niya.

Nasa kalagitnaan kasi kami ng practice ngayon. Kanina pa hindi makafocus sa laro tong si James simula ng dumating sila Kaira eh.

"Tss. Did they come here to cuddle?! F*cking annoying" wala na talaga sa mood ang g*go. Nung lingunin kasi ulit namin yung dalawa, nakaakbay si Viel kay Kai-kai tapos nakasandal pa yung ulo ni Kaira sa balikat ni Viel. Mapapa-aww na sana ako kasi ang sweet nga nilang tignan ngayon, pero naalala ko yung sinabi ni Viel pagkarating palang nila, medyo natawa nalang ako. They look sweet, pero may dahilan yun.

"Pfft. Are you f*cking jealous couz'?!" pang-asar ko rin. Badtrip pa rin ako sa kanya kaya di ko siya madalas kausapin pero kapag gantong asaran, present lagi ako, babadtrip-in ko lang. :p

Patalikod na sana siya pero bigla siyang natigilan at lumingon sakin, I smiled at him. "What are you talking about? She's my bestfriend, I freakin' care about her that's why I don't want any guy to get close" masungit pa ring sagot niya. Tsk, kapal ng mukha nitong tawaging bestfriend si Kaira kapag nagseselos siya pero kapag naman si Kaira ang nasasaktan niya manhid siya. "Oh, there's my Joss" nakangiti ng sambit niya nang makabalik si Joss galing canteen. See? Kapag andyan si Joss, dedma na siya, f*ck you siya!

You Are My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon