Chapter 63: The Black Angel...FALLS

209 10 10
                                    

Author's Note (First half)

BABALA!!

Ang chapter na ito ay punong puno ng feels! Ihanda ang puso sa kung ano mang pwedeng mabasa! Kayo ay maaaring kiligin, matuwa, malungkot, mainis o maiyak sa pagbabasa ng chapter na ito! Yun lang! Enjoy! XD

Kaira's POV

"Kyaaaah! Kai stop ittt! Hahaha tama na Kai!" tawa ko habang iniiwas ang mukha ko. Napahiga na nga ako dito sa sofa sa kakaiwas pero magaling talaga tong si Kaisler eh.

Wala kasi siyang tigil sa pagdila sa mukha ko. Namiss ako masyado ng asong toh. Mas lumaki siya kumpara nung huli ko siyang nakita sa bahay ng mga Villanueva kasama si Spencer.

Bumukas ang pinto kaya napatigil si Kaisler sa pagdila sa mukha ko. Pumasok si Jesler kaya tumakbo sa kanya si Kaisler.

Excited siyang dinamba ni Kaisler, hahaha, yung buntot ni Kaisler ang likot!

"Missed me? Did you ate your food already huh, son?" umupo si Jesler at hinimas si Kaisler habang kinakausap toh.

"Son?" umayos ako ng upo sa kama. Tumingin naman si Jesler sakin bago tumayo at lumapit. Umupo na siya sa tabi ko.

"Yeah. Son. Anak na lalaki. Why?" normal na tanong niya. Hindi na siya poker face pero hindi rin siya nakangiti, normal lang.

"W-wala lang" anak pa rin pala ang tingin niya kay Kaisler. I wonder kung si Joss na ang sinasabi niyang mommy nito? Ano ba yan Kai!!? Malamang oo! Fiancee niya yun eh!

"Hmm, ok" casual na sabi niya. Nakakamiss din talaga yung ganyang itchura niya. Yung hindi seryoso o poker face, yung natural lang. Yung hindi nakangiti pero ramdam mong hindi siya cold.

Tumayo siyang bigla. "I'll cook something for us" sabi niya at naglakad na sa kusina niya. Hindi nalang ako umangal kasi namiss ko ang luto niya. Naeexcite tuloy ako!

Habang nagluluto si Jesler, naglalaro lang kami ni Kaisler dito sa sala.

"Kiane, you should probably sleep in your room while I'm cooking. Baka matagalan ako eh, magpahinga ka muna. Dun na kayo ni Kaisler. Baka mabinat ka na niyan sa pagod" bumalik si Jesler sa sala habang sinasabi yan. Huminto siya sa harapan ko.

Tumingala ako sa kanya since nakaupo ako sa lapag at nilalaro si Kaisler.

"Ok lang ako Jes" nakangiting sagot ko naman. Sumeryoso ang mga mata niya nun. Bakit ganun? Imbis na matakot mas napangiti pa ako? Bigla ko kasing naramdaman yung tulad nung dati, yung nagagalit siya dahil nag-aalala siya sakin.

"I said, you should take a rest in your room. NOW. KIANE" maotoridad na utos niya. Parang bata naman akong nagpout at binuhat si Kaisler bago tumayo at lumakad papuntang kwartong dati kong ginagamit.

"Dito, diba?" lumingon ako sa kanya at nakita siyang nakangiting nakatingin sakin. Bigla niyang inalis ang ngiti niya at bumalik sa seryosong nag-aalalang Jesler.

"Where else? Ikaw lang naman gumagamit niyan. Kwarto MO yan" taas kilay na sabi niya. Nagsusungit na naman siya pero di na tulad kanina, para bang siya na talaga ulit yung Jesler na madalas kong kasama nung high school.

"Baka kasi kay Joss na toh--"

"Hindi natutulog si Joss dito kahit idlip sa umaga" mabilis na sabi niya.

Tumango tango nalang ako habang nakapout tapos tumalikod nang muli at tuluyan nang pumasok sa loob.

"Whoa" napanganga nalang ako sa bumungad sakin pagbukas ko ng pinto. Punong puno ng kung anu anong Mickey Mouse stuffs tong kwarto!!

You Are My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon