Chapter 27: The Right Thing To Do

282 5 0
                                    

Kaira's POV

Nagising ako dahil sa mahinang pag-alog sakin.

"Good morning" nakangiti niyang bati sakin.

"Sabado ngayon diba?" tanong ko, tumango lang siya. "Hayaan mo muna akong matulog!"

"Kai! May pupuntahan tayo eh!" sabi niya habang inaalog ako.

"Teka, diba kakausapin mo kakambal mo? Mamayang gabi na yung concert sa HK!" sabi ko.

"It turns out, para sa kanila ni Liane ang tickets na yun. Kaya tara na!" sabi niya bago tumayo. Tumayo na rin ako.

Matagal kong pinag-isipan toh kagabi pero isa lang lagi ang dulo, mali toh! Mali kaya dapat nang itigil! Huli na toh! Pagkatapos nito, tama na! Ayoko na! Ayokong mahulog nang tuluyan!

Liane's POV

"You're the best boyfriend ever!!!" sigaw ko habang mahigpit siyang niyayakap. Kababalik lang namin sa hotel na tinutuluyan namin, katatapos lang ng concert eh.

"Hahaha, I know!" masiglang sabi niya sakin bago humiwalay sa yakap ko at tumayo.

"This is the best birthday gift James! Thank you!" nakangiting sabi ko. Sobrang saya ko ngayon! Hindi ko pa birthday ngayon, ilang araw pa bago ang birthday ko pero sobrang saya ko na!

Ngumiti siya sakin, isang napakagandang ngiti. "I'm glad you're happy. We should rest, maaga tayong aalis bukas para sa flight natin" sabi niya bago halikan ang noo ko.

"These past three days have been the best days in my life James, I can't thank you enough"

"Tama na nga toh! Baka magkaiyakan pa tayo dito, sige na, matulog ka na. Goodnight" sabi niya at lumapit na sa pintuan. Sa kabilang kwarto kasi siya nag-istay eh.

"I love you James" habol ko bago siya lumabas. Natigil ang pagbukas niya ng pinto. Humarap siya sakin at medyo ngumiti. "I know" then lumabas na siya.

Napahiga nalang ako sa kama ko.

Three years. It has been three years pero hindi pa rin niya nasasabi sakin ang mga salitang yun. As if he knew that I wasn't the girl he loves.

Umiling ako para mawala ang isiping yun! I shouldn't ruin this day! Sa tatlong araw na nagdaan, lagi niya akong pinapasaya. Ramdam na ramdam kong mahalaga ako sa kanya! Kaya hindi ko dapat isipin yung mga negative facts, dapat yung mga masasaya lang! Oo tama! Hindi ko dapat isipin ang mga bagay na hindi niya naibibigay, kundi ang mga bagay na binibigay niya sakin tulad ng kasiyahang nararamdaman ko ngayon!

Kaira's POV

Hindi ko nakita si Dustin nung kumain kami ni Spencer ng breakfast sa unit nila.

Ang sabi niya, umalis daw si James kasama si Liane papuntang Hong Kong. Kung umalis si Liane, ibig sabihin...

Napangiti ako ng mapait. Tss.

"May problema ba?" tanong niya habang sa daan pa rin nakatingin.

"Ah, wala. Saan pala tayo pupunta?" pag-iiba ko ng topic.

"Naaalala mo ba yung beach house?" tanong niya. Natigilan ako.

"O-oo naman, bakit? Dun tayo pupunta? Pero wala ka namang dalang ibang damit huh? I still remember, the last time we went there, you promised that we'll come back there and have fun at the beach again like we did when we had our last date" bigla kong naalala yung last date namin ni Spencer, tapos kinabukasan nun, dumating si James at siya naman ang nakasama ko sa beach house.

"Dun tayo pupunta, pero hindi para magswimming" nakangiting sabi niya.

"Huh?" kunot noong tanong ko.

You Are My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon