Chapter 12: Ever After (Part 1)

243 7 3
                                    

Princess' POV

Ano bang nangyayari sa barkada?! Birthday na birthday ni Dustin, pero anong nangyari?! Mas pinili ni Thalia si Shane kesa sa kanya!!

Hindi ako galit kay Thalia huh! Sigurado naman akong may dahilan siya eh! Pero naiinis ako kasi, ni hindi niya pinakinggan si Dustin! Pati yung fact na hindi niya naalalang birthday ni Dustin ngayon!

Kawawa naman si Papa Dustin! Tulala lang siya ngayon, katabi si best at si Jerry na mga tulala din. Hay nako!

Ay oo nga pala! Pashineya tong si best eh! Minsan nalang magsalita, sobrang meaningful pa!! Tulad kanina, tinanong daw niya si Dustin kung paano kung si Thalia yung may surprise kay Dust?! Dapat daw maghanda rin siya sa pwedeng gawin ni Thal, at ayun nga! Nabigla nga si Dustin sa pagpili ni Thalia kay Shane kesa sa kanya!!

Pati yung sinabi niya sakin nung nakaraan di ko pa maalis sa isip ko hanggang ngayon. Pero alam ko naman na kami talaga ni Lance hanggang huli eh! Kahit ilang kontrabida pa ang on the way na! Malalagpasan namin sila ni Panget!

"Cess, can we talk? Just us?" biglang tanong ni Paul. Napatingin ako kay Panget, kinakausap nila ni Adam sila Dustin at Jerry na parehong hindi nakikinig sa kanila.

"Hmm, sige" tumayo na ako at di nalang nagpaalam kay Panget, sandali lang naman siguro toh eh.

Naglakad kami ni Paul hanggang makarating sa may garden ng school, malapit na toh sa high school part.

"May problema ba Paul? Pansin kasi namin ni Lance, napapadalas ang pag-inom mo pati ang pagiging bad mood mo. Nag-aalala na rin si Lance sayo" tanong ko.

Ilang beses na kasi siyang muntik mapaaway dahil sa kalasingan at bad mood niya.

"Break up with Lance" biglang sabi niya na ikinabigla ko. Ano daw?! Tama ba ako ng rinig?!

"A-ano?! B-bakit?!"

"Be my girlfriend" natulala ako nang sabihin niya yan. Totoo ba toh?! Yung mga salitang pinangarap ko dating marinig mula sa kanya, naririnig ko ngayon. Pero bakit ngayon?!

Lance's POV

Hays, naaawa ako sa mga kaibigan ko. Ba't ba ang daming problemang dumarating samin ngayon?!?

Buti nalang kami ng Prinsesa ko, ok na ok. Pero yung kapatid ko, hindi ok! Di ko nga alam kung bakit nagkakaganun yun eh. Sa tuwing kakausapin ko siya, sasabihin niyang wala lang yun, tapos yung tingin niya pa! Yun ang nakakabadtrip kapag magkausap kami eh!! Yung tingin na parang kinakaawaan niya ako!? Ganun lagi ang tingin niya!!

Teka! Speaking of Paul, where is he?! Pati si Princess nasan?! Lumingon lingon ako para makita sila pero wala.

"Kai, nakita mo ba kapatid ko?" tanong ko. Tinitigan lang niya ako. "Eh yung bestfriend mo?" tanong ko.

*cough *cough

Napalingon ako kay James kasi bigla siyang nasamid. Narinig lang na bestfriend ni Kaira hinahanap, papansin agad?! Bestfriend din naman ni Kaira si Princess huh!!

"Dude, I meant girl bestfriend ok? Wag kang epal! Di kita hahanapin!" pang asar ko na binigyan lang niya ng isang death glare.

Bumalik na ako ng tingin kay Kaira. "So, nakita mo ba siya?"

"Magkasama sila ni Paul" biglang sabi ni Spencer.

"Saan?"

Nagkibit balikat lang siya at bumalik na sa ginagawa.

"Adam, labas muna ko. Nawawala ang Prinsesa eh" paalam ko kay Adam na pilit kinukulit ang bestfriend niyang si Jerry.

"Kk, pakitignan na din sila Babe, kasama ata ni Babe si Jessie eh? Pakisabi hinahanap ko siya" tumango nalang ako at umalis na. Hinahanap daw? Eh nakaupo nga lang sa harap ng bestfriend niya na kinukulit niya.

You Are My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon