Chapter 59: One Call Away (Part 1)

259 7 0
                                    

Kaira's POV

First day of senior year!!

"Good morning little princess! Ready for our first day as seniors?" masiglang tanong ni Viel pagkapasok niya sa kwarto ko.

Humarap ako sa kanya at nagpout.

"Aww, cheer up Kai. First day of class, I'm sure you'll be seeing him today" pagpapasigla niya sakin pagkaupo sa kama ko. Hindi ko pa rin kasi nakikita si Jesler simula nung umalis sila ni Joss ng resort nila Makki, ni hindi nga siya nagpakita nung party, tapos ilang araw na ang nakalipas simula nung party. Walang kagana gana kong ibinagsak ang katawan ko papaupo sa tabi niya.

"Hindi na nga siya pumunta nung party, tapos di pa siya papasok ngayon? Aba sumusobra naman na ata siya kung ganun!! Susugurin ko na talaga siya kung nasan man siya!" reklamo ko kay Viel.

"Hahahaha. Kaya nga panigurado, papasok na yun, takot nalang nun sayo" nakangiting sabi niya sabay gulo ng buhok ko. "Oh ano? Tara na? Baka malate pa tayo" tumayo na siya kaya tumayo na rin ako at kinuha ang bag ko.

Maaga pa naman talaga eh, mamaya pa ang klase namin, nagpatawag lang ng meeting si Thalia sa buong campus kaya maaga kaming papasok.

Bumaba na kami at pumunta sa kotse ni Viel. Nakakotse siya ngayon dahil nakapalda ako, takot nalang nitong multuhin ni Eli kung paaangkasin niya ako sa motor nang nakapalda.

Ilang minuto lang, nakarating agad kami sa AU. May kasabay kaming kotse na dumating kaya medyo nawala sa mood si Viel kasi nakipag-unahan pa yung kotse sa parking space.

Inis na bumaba sa kotse si Viel kaya bumaba rin agad ako. Mainitin din ulo nito minsan noh, parang kapatid niya!

"Viel!" hinawakan ko siya sa braso para makalma siya kahit papano. Bumaba yung driver ng kotse at laking gulat namin nang si Jesler ang makita namin, hindi siya lumingon samin at nagdiretcho sa passenger seat para pagbuksan ng pinto ang kasama niya.

"JJ, pakidala yung bag ko. Thanks" inabot ni Joss kay Jes ang shoulder bag niya, walang imik namang kinuha ni Jesler yun. Huminto sila sa harap namin.

Nakahawak pa rin ako sa braso ni Viel at ganun din ang ginawa ni Joss kay Jesler.

"Oh Viel, ba't di mo man lang dalhin ang bag ng FIANCEE mo? Mas sweet tignan yung ganung lalaki, tignan mo si JJ oh" malanding sabi ni Joss kay Viel. Diniinan pa talaga yung 'fiancee' noh? Medyo nainis ako sa tono niya, parang nang-iinis eh!

Tinaasan lang siya ng kilay ni Viel. Mukhang wala pa rin siya sa mood dahil sa nangyari kaya minabuti ko ng ako na ang sumagot. Ngumiti ako ng sobrang tamis sa kanya. "Hindi naman kasi alalay ang tingin ko kay Viel, kaya ko naman yung bag ko. Kapag rin naman hindi ko na kaya, kusa ng kukunin ni Viel toh" halatang nainis siya sa sagot ko kaya mas lumapad ang ngiti ko.

"Anyway, congrats nga pala sa inyo. Sorry kung di kami nakapunta. May inasikaso kasi ako sa Korea at ayaw namang pumunta ni JJ nang wala ako" nakangiti na ulit na sabi niya pero halatang nang-iinis lang yung ngiti niya.

"Hin--" magsasalita sana si Viel pero hinigpitan ko ang hawak sa braso niya.

Imbis na sagutin siya, bumaling nalang ako kay Jesler. Tinignan ko siya nang sobrang sama pero hindi nagbago ang reaksyon niya, sobrang cold niya.

"S-sa s-susunod na hindi ka magpakita nang walang pasabi, h-hindi na kita kakausapin!" alanganin pang sabi ko. Bakit ganun yung tingin niya? It's as if hindi ako ang bestfriend niya.

"Sorry" tipid na sabi niya.

"Anyway, let's go na, baka marami ng tao dun" yaya ni Joss. Nauna silang maglakad samin. Nakasunod lang kami ni Viel sa kanila.

You Are My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon