Kaira's POV
Kamumulat pa lang ng mga mata ko, narinig ko agad ang malakas na sigaw ni Viel.
"Little princess! Baba naaaa! Anong oras na hindi ka pa nagbebreakfast oh!" para akong zombie na bumaba nun.
Ilang araw na nung umuwi sila Makki pabalik sa Manila. Simula nung umalis sila, dito na kami nagstay ni Viel sa bahay ni Eli.
"Saviel Dizon! Ang aga paaaa! Bakasyon naman ngayon! Walang pasok! Ano bang problema mo?!" sigaw ko sa kanya pagkakita ko palang sa kanya sa kusina. Imbis na makipagtalo sakin, nginitian lang niya ako ng malapad.
"Ok na ko, wala na kahit ubo o sinat! Meaning, pwede na tayong mamasyal dito sa Cavite!" masiglang sigaw niya.
"Ano bang pinagsasabi mo Viel? Ilang araw ka na kayang ok!" ba't ngayon niya lang naisip na gumala?! Eh nung umalis sila Shane ok na siya.
Umupo ako sa table kaharap siya. "Eh binantaan kasi ako ni Kairuz na ipapakidnapp niya ako tapos idedetain niya ako dun sa mansyon niyo sa america until the summer ends kapag lumabas ako ng bahay nang di pa ganun kagaling. Baka daw mabinat ako. Uuwi daw sana siya dito para ikulong ako personally pero since kalalabas lang ng ospital ni Camille, hindi niya maiwan yun" nakapout na paliwanag niya. Ahhh, kung si kuya ang pinag-uusapan, totoo nga yun. Pero bago yun huh?! Di niya maiwan yung chef niya?? Ganun ba talaga niya kagusto ang mga luto nun para personally niyang alagaan ang babaeng yun?
Kumain na kami. Napatingin ako sa wall clock, tanghali na pala, hehe.
"San mo ba gustong pumunta? Sa mall?" tanong ko. Umiling naman siya.
"Dito nalang tayo maglibot sa subdivision niyo" mukhang excited siya huh? Tumango nalang ako, ayoko namang sirain yung mood niya.
After naming kumain, nag-ayos na kami ng mga sarili namin tapos lumabas na kami.
Simpleng sleeveless shirt at shorts lang ang suot ko, siya naman nakaplain white shirt lang at pantalon.
Nagsimula na kaming maglakad lakad dito sa lugar namin. Ilang minuto na rin kaming lumalakad, tahimik lang kami. Para kasing may iniisip na naman tong si Viel eh.
"Kai! Bili tayo dun!" nagulat ako nung bigla niya akong hinila papunta sa isang ice cream shop. Ito yung ice cream parlor na madalas naming kainan ni Eli dati.
"Kaira? Kaira! Nako, ang tagal kitang hindi nakita huh! Kumusta ka na iha?" bungad ni Mang Bert pagkapasok namin ni Viel. Nagtataka naman akong tinignan ni Viel.
"Ok lang po ako, kayo po? Kumusta?" lumapit ako sa kanya, nakasunod naman si Viel sakin.
"Nako ang laki laki mo na! Teka! Asan na yung masungit na boyfriend mo? Nako baka magsungit na naman sakin yung Elijah na yun" natigilan ako nung tanungin niya yun. Sabi nga pala ni Eli nung huli kaming pumunta dito, girlfriend na niya ako.
Pinilit kong ngumiti sa kanya. "Si Viel nga po pala, kapatid ni Eli" pag-iiba ko ng usapan. Bigla naman siyang nagtaka.
"Nako, iha, mas bagay kayo ni Elijah! Masungit man yun, alam kong mahal na mahal ka nun--" biglang pinutol ni Viel ang sinasabi ni Mang Bert.
"I'll have chocolate and Kai will have mango. Halika na Kai" sabi ni Viel sabay talikod at naglakad na papunta sa isang table dun. Toh namang si Viel, matanda na si Mang Bert kaya dapat pinagpasensiyahan nalang niya.
"Nako, nagalit ko ata ang kasama mo iha?" nakita kong nalungkot si Mang Bert. "Mukhang magkapatid nga talaga sila ni Elijah" dagdag niya pa.
"Hindi na po pwedeng maging kami ni Eli, Mang Bert. Isa pa, si Viel na po ang fiance ko" malungkot na sabi ko.
BINABASA MO ANG
You Are My Gangster Bestfriend
Teen FictionMahirap daw magmahal ng taong may mahal ng iba? OO, mahirap! Mas mahirap daw magmahal ng taong may mahal ng iba, at kaibigan lang ang tingin sayo? OO, mas mahirap! Pero ang PINAKAMAHIRAP sa lahat, ay yung magmahal ng taong HINDI KA NAAALALA! Paano k...