Chapter 42: Hold On

279 10 1
                                    

James' POV

Tulad pa rin ng dati, kahit wala kaming ginagawa o pinag-uusapan, masaya pa rin basta magkasama kami.

Magkatabi lang kami sa sofa. Pareho kaming may yakap na Mickey Mouse. I badly wanna hug her but I can't. Hindi na pwede eh. Kaya nagsettle nalang ako sa Mickey Mouse.

Ganun lang kami hanggang sa tumawag si Dustin sakin.

"Hello couz'?"

[Yo couz'! Where are you? It's lunch time!] rinig kong sabi niya.

"Ow, ok. See you at the canteen in five minutes" sabi ko at pinatay na yung tawag.

"Lunch time. They're looking for us" sabi ko kay Kiane.

"Ow. Tara na?" sabi niya at tumayo na.

"Kiane" pigil ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya.

"I'm your bestfriend again, right? So we can bring back how we used to be. We can be like before, right?" tanong ko.

"Pero Jes, may fiance na ko--"

"I know. And I also know that I have limitations now. But like I said, we're bestfriends again so I have the right to act like your bestfriend" sandali siyang nag-isip ng sasabihin.

Huminga siya ng malalim bago sumagot. "May mga magbabago na. Pwede kang masaktan at mahirapan, pero kung yan ang gusto mo, ano pa bang magagawa ko? Eh sating dalawa, ikaw naman lagi ang nasusunod" bahagya siyang ngumiti.

Tumayo na ako pero hindi ko pa rin binibitiwan ang kamay niya.

Naglakad na kami papunta sa canteen. Iniisip ko pa lang yung sinabi niya, nasasaktan na ako. May fiance na siya kaya may mga limitasyon na ako sa paglapit ko sa kanya. Hanggang kelan ko ba kakayanin toh?

Kung kay Elijah, nagawa kong lumaban, ngayon ba magagawa ko pa ring manalo? Pano nga ba? Kung ni hindi nga ako sigurado kung sino samin ang mas mahal niya o kung mahal niya nga ba talaga ang Saviel na yun. Pero isa lang ang sigurado ako, mahal ko siya kaya gagawin ko lahat para makuha siyang muli.

Nakalapit na kami sa table ng barkada kaya binitiwan ko muna ang kamay niya. Wala pa ang mga Hearthrobs, siguro may inaasikaso pa. "What do you wanna eat Kiane?" tanong ko sa kanya pagkaupo niya.

"Kahit ano nalang Jes, ikaw nang bahala" sagot niya.

"Whoa! Namiss namin ang Kiane-Jesler na tawagan niyo huh!" biro ni Adam.

"Nice! Mukhang hindi lang ang tunay na Black Angel ang nagbalik huh? Pati ang pagiging magbestfriends niyo" dagdag ni Jerry.

Hindi nila binabanggit yung tungkol kay Viel at Kiane dahil sinabihan ko na sila kanina na wag pressure-in si Kiane tungkol dun.

Ngumiti lang kami ni Kiane sa kanila. "Tama na nga muna ang pang-aasar niyo. Gutom na Prinsesa ko kaya tara na't bumili" sabi ni Lance at tinulak na sila Adam at Jerry papunta dun sa bilihan.

Sabay kaming naglakad ni Dustin.

"How was it?" tanong niya.

"As expected, she agreed to what I want but she's holding back because of Saviel"

"Sigurado ka ba sa gagawin mo James? Pagpapakamatay yang binabalak mong gawin" nag-aalalang sabi niya.

"It's the only way I can think of. And besides, I know you're gonna be there to save me before I actually die"

"Sana nga mailigtas kita. Basta sabihan mo ko kung mamamatay ka na nang mailigtas na kita" seryosong sabi niya.

Nginitian ko nalang siya. Pagbalik namin, nandun na sila Spencer. Katabi siya ni Kiane. Parang dating scene na toh huh? Siya nakatabi kay Kiane habang yung mga Hearthrobs, nakatabi sa girlfriend ng mga kapatid nila eh.

You Are My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon