Special Chapter: Halloween Party (Part 1)
Author's Note
Hiyaaaaaa! Kulitan moments ng mga Angels to. Ang timeline nito is a couple weeks after ng kasal nila James at Kaira, pero bago yung time ng Boys babysitting boys, so di pa nila inaaway si James dito. Before din to ng OUR house. Baka kasi malito kayo. Hehe.
Spencer's POV
"Dude, hindi ka ba napapagod kakahatid sundo kay Liane? Para kang driver eh" takang tanong sakin ni Paul. Sarap din iuntog nitong lalaking toh eh, gentleman pero bastos din minsan eh.
Andito na kasi kami sa klase ngayon, wala pang bell kaya magkakausap pa kami. Medyo nalate kasi ako sa usapan kaya ganyan ang tanong niya, hinatid ko pa kasi si Liane sa classroom niya.
"Bro, hindi mo maiintindihan ang boyfriend-- I mean, manliligaw duties, hanggat di ka pa naiinlove!" natatawang sagot naman ni Joe sa kanya.
"Dude, being 'inlove' will only cause me trouble. I'd rather focus on my studies and our company than be 'inlove' and get into so much trouble" masungit na sagot naman ni Paul.
"Paul, yung totoo! Bakla ka ba? Ni hindi ka nakikipagdate! Wala kang sinasabing babaeng nagugustuhan mo. Puro libro tinititigan mo!" tanong ni Nick sa kanya.
"Ahahaha, nagsalita ang may girlfriend! Last time I check, single ka rin ngayon Nicholas. Walang dinidate at walang nililigawan" pang-asar na sabi ko.
"Atleast I date girls sometimes" taas kilay na sagot ng maliit na toh.
"My point is, being in love is a total waste. Like what the Green Dragons have said, love changes people. It sucks" Paul said like he's so bitter in life!
"Yeah yeah yeah. Oh balik na tayo sa topic! Kelan magiging kayo ni Liane, huh Spencer Herold Villanueva??" pagbabalik ni Joe sa kanina naming topic. Yes, yan ang kanina pa nila pinangkukulit sakin.
"For the hundredth time Joseph, hindi ako ang babae para magdesisyon kung kailan magiging kami. Kung kailan siya magiging handa na sagutin ako, dun lang magiging kami, gets?" napapailing nalang ako. Palibhasa walang pormal na ligawang naganap sa kanila ni Maddy eh. Exclusively dating, tapos nagtaguan, then pagbalik, may anak na kaya sila na agad. Tsk! Di niya alam kung anong pakiramdam ng nanliligaw.
"Sus, ang sabihin mo, TORPE KA. Di ka tulad nila James at Dustin na madali lang napapaoo ang mga babae" pang-asar ni Joe.
"For the record... ni hindi kailangan ni James na mapaoo ang isang babae, siya pa ang liligawan ng babae" sassy'ng dagdag ni Nick.
"Yup. Ganun katindi yung dalawang yun. Si Spencer kasi, TORPE! Kaya hanggang ngayon, di pa nagiging sila ni Liane!" -Joe
"Ahahahahaha" sabay tawa nilang dalawa ng bestfriend niyang singkit. Leche tong dalawang toh!
"Torpe?? Seriously?? Hindi ako torpe! Hindi ba pwedeng matyaga lang ako kaya naghihintay ako ng tamang oras na magiging handa na siya??" masungit na tanong ko.
Sabay silang tumigil sa pagtawa at sabay ding lumingon sakin at sabay ding umiling. Sarap sapakin nitong dalawang toh!
"Bro, you've been courting her for quite some time now. Baka naman sa gaganaping Halloween Party ng AU eh hindi pa rin kayo?" mapanghamong saad ni Joe.
I gritted my teeth. Hindi talaga ako titigilan ng dalawang toh eh! "Okay, I'll assure you, kami na sa darating na Halloween Party natin" dahil sa inis ko, nasabi ko nalang yan.
"Yown!" sabay apir nilang dalawa.
"That's a week from now, bro. You better work fast or else, we're gonna do something that will embarass you at the party" banta ni Nick na may nakakalokong ngiti. Napalunok nalang akong bigla.
BINABASA MO ANG
You Are My Gangster Bestfriend
Teen FictionMahirap daw magmahal ng taong may mahal ng iba? OO, mahirap! Mas mahirap daw magmahal ng taong may mahal ng iba, at kaibigan lang ang tingin sayo? OO, mas mahirap! Pero ang PINAKAMAHIRAP sa lahat, ay yung magmahal ng taong HINDI KA NAAALALA! Paano k...