Chapter 16: Game Over

265 7 0
                                    

Kaira's POV

"Kai" napatigil kami ni Viel sa paghaharutan nang may tumawag sakin. Napaayos ako at tinulungan ako ni Viel na makatayo.

"What do you want?!" cold na tanong ni Viel.

"Her" malungkot na sagot ni Dustin habang nakatingin sakin.

Humarang si Viel sakin. Dati, sila Dustin at James ang gumagawa niyan, sinong mag-aakalang sila ngayon ang gaganyanin ni Viel?

"Like what I've said earlier, exert effort to be with her" -Viel

Nagulat ako nang yumuko si Dustin sa harapan ni Viel.

"I'm sorry for what I've said" seryosong sabi niya habang nakayuko. Lalapitan ko na sana siya pero pinigilan ako ni Viel.

"Do you think bowing and saying sorry is enough?!" prangkahang tanong ni Viel sa kanya. Umayos ng tayo si Dustin at seryosong tumingin kay Viel.

"Simply bowing and apologizing isn't enough. But lowering my pride in front of a guy like you, I think that is so much effort from a casanova like me"

Napangiti si Viel. Isang ngiting magkahalong inis at pagkamangha. "Well said. Honestly, I wasn't expecting words like that from a guy like you. Marami dyang yuyuko at magsosorry pero kapag tinanong na kung sa tingin nila tama na yun, wala ng maisagot. Hindi ko ineexpect na ang isa sa mga naging kaibigan ni Kaira dito ay may pagpapahalaga din sa bawat galaw at salitang binibitiwan nila, tulad ng mga GD"

"So pwede ko na ba siyang makausap?"

Tumabi si Viel kaya nakalapit si Dustin sakin. Hinawakan niya ang braso ko at hihilahin na sana ako pero napigilan siya ni Viel. "Pwede mo siyang makausap pero kasama pa rin ako. Hindi ako ganun kadaling magtiwala"

Natawa si Dustin. "Mas malala ka nga talaga sa kapatid mo noh?" nakangiting tanong ni Dustin. Nagsmirk lang si Viel sa kanya.

Umupo si Dustin sa may damuhan. Tinap niya yung pwesto sa may tabi niya at tumingin sakin kaya umupo ako dun, ganun din ang ginawa ni Viel.

"Nabigla lang ako kanina Kai, hindi ko sinasadyang sigawan ka o masabi yun. Sana maniwala kang hindi kita sinisisi sa problema namin. Alam ko namang tama si James eh, ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat" malungkot na sabi niya.

Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. "Naiintindihan kita Dust, nabigla ka lang. Hindi ako galit sayo" mahinahong sabi ko.

"Tss, yan ang hirap sayo eh. Isang sorry lang ok na agad?! When will you learn to hate someone?!" singit ni Viel sa usapan namin ni Dustin. Sinamaan ko siya ng tingin, para talaga siyang si Eli, lagi nalang yan ang sinasabi sakin kapag madali akong nagpatawad. Kasalanan ko bang hindi ako ganun kadali magtanim ng galit?!

"Viel" tawag ni Dustin kay Viel kaya napatingin siya kay Dustin. "Please don't take her away from us" sincere na pakiusap ni Dustin sa kanya, tinignan ko din si Viel.

Napangiti siya. "I won't"

"Thank you--"

"I'm not doing this for anyone of you, I'm doing this only for my little princess, so don't thank me. As long as she's happy with you, I won't take her away" dagdag ni Viel.

"Then I guess, all we have to do is make her happy, and you'll never have a reason to take her away, right?" tanong ni Dustin na ikinatango ni Viel.

"I'll do everything I can to keep her smiling" -Dustin

Ngumiti lang si Viel sa kanya. Napatigil kami sa pag-uusap nang magtakbuhan papuntang center stage yung mga students sa paligid namin.

"What now?!" bored na tanong ni Viel. "Wala talagang pinagkaiba ang school na toh sa school ko sa America, paggwapo pinagkakaguluhan agad" dagdag pa niya.

You Are My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon