Chapter 46: Goodbyes

256 10 0
                                    

Dustin's POV

"Buong summer ba talaga kayo dun Dust?" malungkot na tanong ni Thalia.

"Don't be sad Myloves, pasusundo kita after ng exams niyo, ok?" sabi ko habang tinatapos ang pag-iimpake ng mga gamit na dadalhin ko bukas.

"Pero nangako na ako kay Lolo na after ng klase, magbabakasyon ako sa bahay niya for two weeks"

"Edi dun nalang kita ipapasundo" pinilit kong ngumiti sa kanya. Ang lungkot kasi ng mukha niya eh, ang gusto niya kasi, kasama akong magbakasyon sa bahay ng lolo niya sa London.

"Hays" bigla niya akong niyakap. "Basta wag kang titingin sa mga babae dun habang wala ako huh" napangiti ako nang sabihin niya yan.

Humarap ako sa kanya. "Wala akong ibang gustong tignan kundi ikaw lang, kaya ienjoy mo yung bakasyon mo kasama ang lolo mo. Wag mo kong intindihin. I know what's right and wrong, and besides, James will be my priority there. Just trust me, ok?" tumango naman siya nun.

Kaya hinalikan ko siya na ikinabigla niya. Mabilis lang naman eh. "Good girl" tinalikuran ko na siya kasi nakatulala pa rin siya dun. Di na nasanay tong Myloves ko sakin.

Isinara ko na yung maleta ko at tumayo na. "Tara na nga. Hinihintay na tayo ng mga Badboys sa labas" sabi ko at hinila na siya papunta sa sala ng unit namin.

Paglabas namin, nandun ang mga Badboys, Cuties pati mga Dragons.

"Dalawang buwan lang ho kaming mawawala, grabe kayo malungkot, mamimiss niyo talaga kagwapuhan ko eh noh?" biro ko sa kanila.

"Andito naman ako eh, ba't pa nila hahanapin mukha mo??" pabirong sagot ni Makki.

"Sila lang makakamiss sayo, masaya nga akong aalis ka agad eh. May one week ako para masolo si Thalia bago magbakasyon" pang-aasar ni Shane. T*ngna tong isip batang toh!!

"Hahaha, kapal kasi ng mukha mo Dust eh. May kanya kanyang summer vacation plan kami noh! So talagang hindi ka namin mamimiss" nakangising sabi ni Jerry.

"Mga leche kayo, alam niyo yun?" sabi ko sa kanila. "Di daw mamimiss pero mga nakasimangot kanina" bulong ko na narinig naman ng mga Badboys.

"Iniisip lang namin si James. Assuming ka Dustin" -Adam

"Basag na basag na ego ko sa inyo mga hinayupak kayo!"

"Hahahaha" sabay sabay na tawa nila.

"Pero seryoso na. Dapat one week before our senior year starts, nakabalik na lahat dito huh. Yun na yung bonding ng buong barkada. Sama sama na tayong gagala nun" sabi ni Lance.

"Oo naman!" pagsang-ayon namin.

"Teka, nasan nga pala si James?" biglang tanong ni Nate.

Napayuko naman kaming mga Badboys nun. "Sila Spencer na ang nagbabantay sa kanila. Hindi kasi namin kayang bantayan si James eh" malungkot na sabi ni Adam.

"Mas maalagaan nila si James" dagdag pa ni Jerry.

"I doubt it. Mas close si James sa inyo. I'm sure mas mahihirapan lang sila Spencer sa kanya" -Makki

"Mahigpit si Spencer, kaya mas magaling silang magbantay" sagot naman ni Lance.

"Di rin sa higpit yan. Sa pag-intindi yan sa binabantayan" sali ni Shane.

"Pero sa ugali ni James, kailangan ding higpitan siya" pati si Adam nakikipagtalo na.

Habang nagtatalo pa rin ang mga Badboys at GD, biglang tumunog yung cellphone ko.

'Spencer calling'

Sinagot ko nalang kahit wala akong maisip na dahilan para tawagan ako nung masungit na lalaking yun.

You Are My Gangster BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon