"Deborah!"
"Oh!" sigaw ko pabalik sa tumawag at tinanaw ang labas ng classroom.
"May ginagawa ka raw ba? Pinapatawag ka kasi ni sir, eh. "
Nagpatingin ako sa sinusulat ko sa notebook bago iyon isara. "Ah, sige. Okay lang." Nilagay ko na ito sa bag at pasimpleng lumabas ng classroom para magpunta sa department.
May okasyon yata sa school kaya buong half-day ay wala kaming pasok, o siguro ay buong araw na. Maraming tao sa paligid at may kanya-kanyang pwesto ang mga booths. Hindi ko na inasikaso ang klase namin dahil matatanda naman na sila, kaya na nila ang sarili nila.
"Pasuyo nga pate na ikaw muna mag-encode ng scores niyo. Tinawag kasi ako sa office."
Tumango lang ako kay sir. "Sige po."
"Mabilis ka naman mag-encode, 'di ba? I-save then log out mo nalang."
Nalukot ang mukha ko nang makaalis si sir. I should have told him that I'm not available, now I'm facing this kind of cornership. Nilipat ko ang tingin sa mga papel na nakatambak sa gilid ng table, kailangan ko daw i-record lahat.
"Uy, Deborah. Kamusta?"
Nasa gitna ako ng pagkakalikot sa laptop nang may umupong professor sa katabing desk ni sir. Napangiti ako at binati rin si ma'am Anne, dati kong professor. "Good morning po."
"Inutusan ka na naman ba? Bakit naman minamadali ng sir mo, eh sa kahit sa last week ng sem na niya i-encode 'yan."
I just smiled and shrugged. "Baka po magiging busy siya kaya in-agahan na."
Umiling lang si ma'am Anne habang nakangiti, ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko at binilisan ng kaunti. Sa sulok ang desk ni sir kaya mula rito ay kita ko ang mga school mates ko na masaya at nag-enjoy sa labas. I never enjoyed a school organization my whole life.
"May problema ba sa mga subjects, anak?"
Muli akong nabaling kay ma'am, ngumiti ako at umiling. "Hindi po sa subject, kadalasan sa akin po yung problema," sagot ko. "Ganun pa rin po, mababa pa rin. Pero tina-try ko naman pong pumasa."
"Ikaw naman, Bora. Grades lang 'yan, 'wag mong pine-pressure masyado yung sarili mo. Eh, kung hindi mo nga kaya," pabiro niya akong inirapan kaya natawa ako. "But then, if you want to be a teacher, you need to be a teacher."
Napayuko ako nang pasimple at hindi tinanggal ang ngiti. I want to be a teacher, badly. I want to look at a kid's eyes and understand a child deeply. Kaya lang, paano akong magiging teacher kung ibabagsak ko yung math? Isa pa, kaya nga ako nag-educ kasi akala ko walang math.
"Why don't you join my sorority? Have you seen my girls? They're in one of those booths, enjoying this day. It's also a big help to improve your leadership since you're a class president," she explained, trying to encourage me.
"Sorority po?"
She just nodded nonchalantly. "Mmm, I'm the founder of one sorority. You should try joining school's private organizations or social clubs to fulfill your college life."
"Uh, ma'am. Pwede po bang magtanong?"
"Hmm?"
"Lahat po ba ng fraternities, nakalagay sa office?" nag-aalinlangan kong tanong. "Halimbawa po, yung location, founders at members po."
"Oo, anak. Yung iba nga, nilalagay pa sa resume nila kung napabilang pa sila sa fraternities or sororities. Let's say, it's also a big part of the student's credentials." Nangalumbaba siya at nag-isip.

BINABASA MO ANG
Covenant in the Wilderness
Spiritual2013, where about 55% of college students suffered injuries from hazing. For more than two months, Deborah Yuenne, an ordinary college student of education found herself watching out over this group that they called fraternity, where members share c...