Chapter 29: Do Not Worry

63 10 0
                                    

Mabigat pa rin ang aking dibdib. Parang bumibigat at humahapdi ang gilid ng aking mga mata na hindi ko malaman. Hindi naman kasi parang nagbibiro si Aiden. Literal na nakita ko pa ang dugo roon sa gilid ng daan at parang itinakbo na niya ang sarili sa infirmary dahil sa malakas ng hampas ni Ester.

Ang masama pa, mga dalawang araw na pala iyon ang kung ano-ano lang ang ipinantatakip niya para matigil ang pagdugo. I hate him, I hate him for being like that.

"Deborah, medyo maayos naman siya ngayon. 'Di ba maayos naman siya kahapon, nakakapaglakad pa nga. Hindi niya naman masyadong dinadaing."

Hindi pa rin ako nakukumbisi. Mabilis kong hinakbang ang pahagdan na entrance ng infirmary. Malamang ay nahirapan siya doon nang ilang araw, nawalan rin siya ng gana sa pagkain noong mga araw na 'yon. He's literally killing himself, I don't know.

Pagbukas ko ng ward ay naabutan ko roon sila Don at Ravi na nag-uusap sa gilid ng silid. Binalingan ko ng tingin si Yandiel na nakaratay sa isa sa mga apat na kama sa ward. Nakapikit ito at naghihilik pa nang mahina. My goodness.

Napatingin ang dalawa si akin, tinawanan lang ni Ravi ang hindi maipintang ekspresyon ko sa mukha.

"Deborah, umuwi ka na. Maayos ang lagay ng manliligaw mo," parang wala lang na sabi ni Don.

"Ano? Natahi na ba yung sugat niya?"

"Hindi pa. Bukas na lang raw."

"Oh, paano akong makakauwi sa lagay niyang 'yan?" I exclaimed. "Dito muna ako, kahit ilang oras lang."

Inangilan lang ako ni Don. "Dito ako matutulog, 'wag kang mag-alala," saad niya. "Ano? Nakakuha ka ng kumot?"

"Mmm. Nasa kay Aiden na," sagot ko at lumapit kay Yandiel na natutulog pa rin. "What happened? Bakit may gano'n siyang sugat?"

"Noong lantern niya pa nakuha, noong may nagbarilan ng pellet gun at airsoft doon. Pauwi na raw siya, nadamay lang. Hindi naman na siya nakikigulo sa mga gano'n lalo na sa mga dayo, wala siyang pakialam sa mga gulong gano'n kababaw," Ravi uttered. "Kung saan pa siya walang pake, doon pa siya nadamay."

"Bakit nagkaroon ng airsoft noong lantern?" Nagtatakang nilingon ko si Ravi.

"Ey, normal na 'yon. Medyo." He just let out a light laugh and shrugged his shoulders.

Napahawak na lang ako sa sintido habang nakatitig kay Yandiel na mukhang parang walang nangyari sa kanya. He must've lost a lot of blood because of it. I don't even think he used clean cloth to block it.

"Alam ba 'to ng mama niya?" tanong ko at tiningnan si Aiden at Ravi na nakatanghod lang at parehong tulala.

"Hindi namin ipapaalam. Saka na kapag magaling na siya, o kaya kapag naoperahan na at mag-aalala pa si tita," si Aiden na ang sumagot.

Kinabukasan ay wala pa rin ako sa sarili, tulala sa discussion. Rinig ko ay nag-palitan ang tatlo sa magdamag na magbabantay kay Yandiel, umuwi na rin sila bandang madaling-araw dahil mayroon pang pasok. Mas maaga lang ako nang kaunti na pumasok kay Don, on-time naman siyang nakapasok.

Hindi na ako nagtanong kung ano nang ganap. I want to see it myself. They said today is his surgery. Siguro ay hindi na rin nila naharap at marami rin ang mga nagpakonsulta kahapon galing sa iba't-ibang lugar sa Munoz at San Jose. Tuwing may sakit kasi na hindi pamilyar sa mga local healthcare centers ay dito nila dinadala sa CLSU.

Huling subject ay ang upuan niya lang ang bakante, pinag-uusapan din siya ng mga lalaki sa aking likod. Nagbibingi-bingihan na lang ako dahil below the belt na masyado ang mga salita nila sa tao. Pakiramdam ko ay hindi naman na biro 'yon, dinadamay na ang estado niya sa buhay, eh. Ano naman kung konduktor sa XLT si Yandiel? Wala naman masama doon.

Covenant in the WildernessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon