Read in Bible: 1 John 1:9, 1 John 1:10
Hinintay ko si Yandeil na pumasok sa panghuling subject namin sa umaga, bago ang lunch break. Dumating na halos lahat ang aming mga kaklase, dumating na rin ang professor kong tita ko na siyang nagha-handle sa amin.
Nasa kalagitnaan na ng discussion at bakante pa rin ang kanyang upuan. I only stared blankly at it, trying to give my full attention to the discussion since we're having a quiz afterwards.
"Ano, may nasagot ka naman?" tanong sa akin ni Don habang ngumunguya ako ng pagkain na hindi ko halos malunok. Nakakapanibago, kaming dalawa na lang ulit ang sabay na kumakain.
Tumikhim ako at yumuko lang. "Meron naman, hindi ko nga lang alam yung iba, hindi ko maintindihan."
"Mahigit dalawang taon na lang naman ang hihintayin. Makakaraos na rin tayo. Medyo mag-ipon na rin tayo at medyo magastos daw ang internship, early childhood pa naman, hindi engaged masyado ang mga bata kung powerpoint lang ang gagawin natin. Visual aids dapat na magkakaroon sila ng interes."
"Minimalist ka, 'di ba? Paano mong magagawa 'yon?"
"Magpapagawa ako sayo. Pinsan naman kita, magpapagawa ako ng libre."
"Ka-jornek mo naman pala," bulong ko, tumawa lang ito.
Hinatid niya ako noong madilim na pauwi dahil ginabi na rin kami sa klase, kailangan pang bumalik mamayang alas otso.
I just stared at the blank wall, thinking of it again. Where are they now? I didn't see any of them, he didn't attend the last subject this morning, the only time I could see him. Hindi naman sila ganoon karami, bakit ang tagal nila sa police station?
It is impossible, they can't be arrested. I know they're involved but they didn't do anything.
Napaawang ang aking bibig at marahas na nilingon ang langit na dumidilim. Napatayo ako at hindi na nagbihis. Natagpuan ko na lang ang aking sariling tumatakbo na sa walkway na katabi ng kumikinang na lagoon. I remembered his sister, she must be waiting for him.
Bumagal na ang lakad ko nang matanaw na ang entrance ng campus. Natanaw ko si Yena na nakaupo sa waiting shed at pinapanood ang mga sasakyan sa kalsada. Napakagat ako sa ibabang labi at nagpakawala ng malalim na hininga.
"Ading, halika na."
Pagkatapos umalis ng napunong XLT na nasa harap ay lumapit si Yandiel sa kanya at binuhat pa ang bag nito. I just stood there watching him giving a faint smile to his younger sister, talking to her softly... as if nothing happened.
Hindi ko alam kung bakit mabigat ang aking pakiramdam, kanina pa ito. Yes, I was relieved that he's back from the police station. I was in the midst of distrust, I'm doubting what will happen, what would be the outcome of all of this.
And between the two of us, who made a promise last Sunday that I'll stay by his side and he'll rely on me if he's afraid, I could glimpse a hint of distance. We seemed to be already apart, because of what just happened. We broke each other's promise.
I walk out of that gym while he's looking at me, it was like I am abandoning him and my assurance I gave to him.
Bigo at bagsak ang balikat akong umalis roon, panatag na akong hindi uuwi nang mag-isa ang kapatid niya. Panatag na akong makakauwi si Yandiel sa bahay nila. Nakakapanghinayang nga lang, hindi niya man lang ako nakita, hindi ko man lang nakausap.
.
.
"Donielle, si Aiden."
"Hayaan mo siya."

BINABASA MO ANG
Covenant in the Wilderness
Spiritual2013, where about 55% of college students suffered injuries from hazing. For more than two months, Deborah Yuenne, an ordinary college student of education found herself watching out over this group that they called fraternity, where members share c...