APL- 42 Real Time Play

229 5 0
                                    

APL 33- I Want that You Have

(Angry Bird/ Shuhei Walker in media)

-Sakit ni Lime

- Performace ng buong team

-Pagamin ni Angry Bird.

Jin’s PoV

Hindi ko inaasahang makikita ko silang magkayakap. May pagmamahal nga talaga si Lime para kay Jack. Pinaasa ko lang ang sarili ko. Mahal ko sya at totoo siguro yung minahal nya din ako pero hindi hihigit sa pagmamahal nya kay Jack. Mas mahal nya si Jack kaysa sa akin at itong tukmol na baguhan ay may gusto din sa mahal ko.

Inamin nya sa akin kanina at kaya ako nagpunta dito sa labas ay para sabihin sa kanya ang nalaman ko pero ito pa ang nakikita ko ngayon. Ang magkayap silang dalawa at ako ay walang magawa kundi ang tumingin lamang.

Matapos ng yakap ay bumalik na papasok si Jack kaya dali-dali akong tumakbo papasok at hinanap ko yung bata pero hindi ko na makita kung nasaan man sya. Gusto kong manuntok pero hindi ako brutal kaya pinigilan ko na lang ang sarili ko at nilunod sa pagakin ang tyan ko.

“Huy, huwag mo ngang kainin yan lahat. Para ka namang kakatayin nyan.” Biro ni Jack na ikinatawa ng lahat maliban sa akin.

“Mas mabuti na iyon kesa makita ka na kasama ang mahal ko nakikipagyakapan.” Inis kong sbai kaya natahimik na lang sila.

Tiningnan nila ng masama si Jack kahit si Rikko ay balak ng manghiram ng kutsilyo sa may-ari ng restaurant na ito pinipigilan lang sya ng mga kasamahan namin.

“May problema sya na ayaw nyang sabihin sa’yo.” Ikinainis ko lang ang walanghiyang paliwang nyang iyon.

“Edi ikaw ang magsabi. Kakambal kita Jack at magkalintikan man ang buong mundo, kapatid mo ako kaya sabihin mo sa akin!” Napatayo kong sigaw at pabagsak ng kamay sa lamesa.

“JIN!” saway ni Rikko pero hindi ko na iyon pinansin.

Huminga muna sya ng malalim at tumingin sa labas. Naupo na ako at lumapit naman ang lahat para makinig.

“May malalang sakit si Green at ayaw nyang ipaalam sa ating lahat. Ayaw nyang malungkot tayo kaya kung pwede, huwag nyong ipakita na alam nyo na.” Hindi ko nagawang makapagsalita. Bumubuhos lang ngayon ang luha ni Rikko samantalang ang iba ay hindi maipinta ang mga mukha kahit na ang mga baguhan namin ay nalungkot sa balitang iyon.

“Hindi. Hindi ako naniniwala!” inis kong sabi at kinuwelyuhan ko si Jack. “Sawa na ako sa kasinungalingan mo!” sigaw ko pa rito pero may humawak ng balikat ko.

Si Admeral Suarez pala. Kelan pa sya nakarating dito? Bahala na nga, ano bang ipinunta nya dito.


“Totoo ang sinabi nya Jin. Iyon ang din ang isa sa dahilan kaya ayaw nyang magpunta sa Arm Force of the Philippines. Mas madali syang mamatay kapag mas mahirap na training ang ginawa nya at sa mas malalim naming imbistigasyon sa sakit nya, nalaman naming ito rin ang dahilan ng mga black-out nya at  wala sa sariling pagwawala nya.” Hindi ko matanggap.

Ang Pagiging LalakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon