APL-7

102 4 0
                                    

APL 7

Naupo ako sa kama dahil yun ang gusto ni Jin na gawin ko samantalang sya naman ay may kinukuha sa loob ng banyo nila. Nalaman kong banyo kasi may tubig akong narinig. Pagbalik nya may dala na syang basin na may tubig at mga first aid kit.

“Ano yan?” tanong ko na binigyan lang nya ng pagtaas ng kanyang kilay.

“Med Kit. Di obvious?” Pang-aasar nya sa akin. Naasar nga ata talaga ito pero hindi naman kailangan nyan e.

“Hindi ko na kai--”

“Shut up! Parang sinabi mo na rin na ayaw mo akong tumulong. Nawala akong kwenta sa’yo.” Maarteng sabi nya pero naiinis pa rin. Yung totoo? Nagpalit kami ng gender? Mas babaeng-babae sya sa pagkakasabi noon e.

“Tss.. Arte, naman sexy.” Bulong ko sa sarili pero hindi ko inaasahang maririnig nya.

“HOY! Anong hindi sexy ang sexy ko kaya oh!” nabigla ako sa kasunod nyang ginawa.

Tumayo sya sa harapan ko, kinuha ang mga kamay ko at pihawakan nya sa akin ang katawan nya simula armpit pababa. Sya din ang nag-guide nito simula taas pababa. Mabagal para maramdaman ko ng husto ang kurba ng katawan nya. Malambot ang katawan nya. Ramdam ko sa V-neck shirt nya na kulay Gray. Medyo makapal ang suot nyang damit pero naramdaman ko pa rin ang init ng katawan nya mula doon. Nakatingin lang ako sa kamay ko habang bumababa ito at hindi ko napansin na nasa baywang napala nya ang mga kamay ko.

Kusang gumalaw ang mga kamay ko at humawak sa mga kamay nya. Tumingin ako sa mga mata nya na ngayon ay naiinis pa rin pero ng matagal ang titig ko ay narealize na nya ang ibig kong ipahiwatig.

“Are you seducing me?” nakangisi kong tanong sa kanya. Namula syang lalo at lumayo ng tingin sa akin. Natawa ako sa loob ko at saka nya ako hinampas sa dibdib.

OUCH! Ha! Putek! Pasalamat na lang ako may pang-ipit ako sa dibdib ko kahit maliit yun kasi kung wala, mas nahurt ako! Walang yang adik na Jin na ito! Kung alak ito, ipagbebenta ko talaga ito sa murang presyo. Kakasar.

“Ouch! Ahhh..” sabi ko at umarteng nasaktan talaga. Yumuko pa ako na nakahawak sa dibdib para feel.

“Ahhh.. naku, ayos ka lang ba Lime?” hinawakan nya ang balikat ko pero hindi ako tumunghay. “Sorry- Sorry.. naku, anong gagawin ko?” sabi nya na nagpapalinga-linga na.

“Para talaga syang babae.” Naisip ko tapos kinuha ko ang kamay nya at inilagay sa dibdib ko kung saan masakit.

“Magaling na. Hindi na masakit.” Sabi ko na nakangiti sa kanya.

Ngumiti din sya at yumakap sa akin. Medyo nagulat ako doon pero hinayaan ko na lang.

Ang Pagiging LalakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon