APL 24- Tresure
-Babae po ako
“Tagal mo pre? Anyare?” tanong ni Faith sa akin. Bakit Faith ang pangalan nya? Yan ba ang tanong nyo? Simple lang nanalig daw ang magulang nya at nagsayaw sa ubando para magkaroon ng anak kaya yan ang pangalan nya. Pananalig Armacen. Kaya Faith ang tawag namin muntanga naman kung tatawagin namin sya ng ganito, “Pananalig! Pre pahiram nga Brief!” o muntanga lang diba. Sinabing pananalig pero nanghihiram ng brief! Tsss..
“Namasyal muna ako sa ibang team. Sensya na. Ano bang gagawin natin? Hindi ko pa rin nakikita yung script hanggang ngayon.” Napakamot ako sa ulo ko.
Si Faith nga pala ay isang 3 pointer ng team. Pero minsan lang yan maglaro dahil laging tulog.
“haayy.. ewan ko pre! Natutulog ako all the time ang gagawin ko lang naman ay iflirt si Gab. Ako kasi yung fiance nya dun sa story.” Sabi niya sa akin. Tiningnan ko si Gab. Matangkad si Gab at sya ang aming second point guard. Sexy ang mokong bagay maging babae kapag nilagyan ng wig.
“Teka, Pananalig. Si Gab ba ay yung babaeng reporte sa R2? Tapos sya you Student council presedent na nagpauso nung magpapatong ng sumbrerong puso sa ulo?” tanong ko sa kanya dahil medyo alam ko yung Code Geas.
“Oo pare. Sarap halikan nyang si Gab kissable lips oh. Try mo.” Sabi pa nya sa akin.
“Tss.. Paano kung gawin ko e din nagalit ka sa akin papanalig! Hala na, bat kasi hindi pa ligawan ha!” sigaw ko sa kanya.
“Batukan kita dyan pare e, alam mo namang ang crush nyan noon pa ay si Master Frost.” Poker face nyang sabi at nilayasan na ako.
Bruhong yun. Sarap isalbage ah! No! Huwag muna Lime Green, mababawasan kayo ng magaling sa team baka mabangasan ka pa ni Rikko kapag nagkataon.
“GRRRRRREEEEEEEEEEENNNNNNN!!!!” Shems! Eto na naman ang kabaliwan ni Kieth e. “Tol oh. Yan yung mga sasabihin mo. Sunod-sunod yan ikaw na bahala dyan. Bukas ang final rehersal ha. Tapos gagawa na tayo ng costume.” Sabi nya sabay takbo.
Tiningnan ko yung binigay nya at tiningnan yung mga part ko.
Bwisit na iyan, puro sa akin lang pala ito. Eight pages na puro akin lang. Bwisit talaga yung hinayupak na iyon. Hindi man lang nilagyan kung kailan ko sasabihin. At mukhang iilan lang dito yung nangyari sa Code Geas 1 at 2.
Naglakad na lang ako palabas ng Gym dahil nanggagawa lang naman sila ng katarantaduhan tulad ng basaan, bugbugan, habulan, pustahan at inuman... ng juice! Paramihan yan ha! Awan ko lang sa mga pantog nyang mga yan kung kailan tatagal yan. Tsss..
Lumayas na lang ako naglalakad papunta sa hallway. Maghahanap ako ng tahimik na lugar at babasahin ko ito kahit hindi ko maintindihan. Kapag ba talaga occupied ang isip ng lalaki nagiging magulo ang paggagawa ng story? Ang gulo kasi nitong ginawa ni Kieth e pansinin nyo.
BINABASA MO ANG
Ang Pagiging Lalaki
Teen FictionSi Lime Green Forrest. Sa kabila ng kanyang berdeng pangalan ay ang pagiging maginoo nya sa isang lalaki na noong umpisa ay misyon lang para sa kanya at hindi tunay na iniibig. Pero dahil sa pagiging "LIWANAG" ng lalaking iyon na nagngangalang Jin F...