APL 28- Titanium
-Baklang Pinoy Henyo
-Picture Time
-I Wanna Be a Tutubi
_Martes
Lahat kaming nasa basketball team ay naisipang magsama-sama sa pangga-gang gang sa ibang club.
Pero joke lang. Sama-sama kaming naglibot sa mga booth ng bawat club. Nauna naming puntahan ang Chess team ng Intelegent club. Tulad ng inaasahan namin may mga grapics na pangmatalino talaga. May games din tulad ng pinoy henyo at dahil nga mababait ang basketball club lahat kami pumasok. Labing pito kaming lahat at dahil nga nakakahatak kami ng mga ilang kaklase naging twenty four kaming sabay-sabay pumasok.
Nabigla ang mga myembro ng Chess club. Namangha naman kami sa loob ng room nila. As in wala kang makikitang hindi Knowlegable.
“Pre, dumudugo ang utak ko.” Sabi ng kaklase naming si Shinji. Kababata yan ni Kuya Carl may pagkabobo pero kapag nagconcentrait e matalino naman talaga.
“Sh*t nose Bleed!” sabi ni Faith at kumapit kay Gab. Si Gab naman naniningin pa rin.
“Ang ganda noon ah.” Sabi ni Gab at lumapit sa isang malaking chess piece.
“Anong ginagawa nyo mga myembro ng basketball team? Naniningin ba kayo ng pwedeng agawin sa aming grupo?” nagpanting ang tainga ko ng marinig ko iyon.
Hinarap ko agad sila pero hinarangan ako ni Gab. Siya ata ang maraming alam sa mga ganitong pagkakataon, pabayae na.
“Excuse lang Ethan, ang alam namin festival pa rin ito at narito kaming lahat para mag-enjoy. Hindi namin kami gangster para pumatay o manggulo ng mga bagay na pinaghirapan ng ibang tao. Kung ganoon ang tingin nyo sa amin wala na kaming magagawa doon pero hayaan mo muna akong enjoyin ang pagiging nerd ko kahit ngayon lang. Gusto kong ibalik yung dating ako ng hindi ko pa nakikita si Pananalig at hindi pa nya ako hinihikit sa basketball team.” Litanya nya. Lahat kami nagpalakpakan at doon naman sya binigyan ni Faith ng asul na salamin.
“Ngayon lang ito ha.” Sabi nya at isinuot naman iyon ni Gab sabay tango.
Nagpunta si Gab sa parte ng room kung saan magbibigay sila ng katanungan na kailangan mong masagot para sa premyong stuff animals. Hinikit naman ako ni Rikko sa part kung saan nakasalang sina Kieth at Jin. Magpe-pinoy henyo pala sila.
“Gab yung pink na cub ha!” narinig kong sabi ni Faith at ng tingnan ko yung sinasabi nya nakita ko yung lion cub na kulay pink. Seriously? Yan talaga ang trip ni Pananalig?
“Angel?”-Kieth
“Hindi!”- Jin
“Pusa?”

BINABASA MO ANG
Ang Pagiging Lalaki
Novela JuvenilSi Lime Green Forrest. Sa kabila ng kanyang berdeng pangalan ay ang pagiging maginoo nya sa isang lalaki na noong umpisa ay misyon lang para sa kanya at hindi tunay na iniibig. Pero dahil sa pagiging "LIWANAG" ng lalaking iyon na nagngangalang Jin F...