Ang pagiging Lalaki (APL) 1
Okay heto na ako sa target point. Lanya, totoo ba ito? Gay bar ito ah!?!! Bawal ang babae dito kung hindi pagtritripan ka!
Naman oh!!
"Hi dude!" napalingon ako sa isang lalaki na tumapik sa akin tapos itinaas nya yung hawak nyang baso ng alak.
Syemas lalaki nga pala ako ngayon. Grabe ha. Tinaasan ko na lang sya ng kilay yung parang zup yo ang pinaahiwatig. Basta ganoon.
Naupo na lang ako sa bar. Tama nga ang sabi nila sa akin, makikita ko si Jin sa paborito nyang upuan dito, sa dulo sa kanan. Sa bandang gitna naman ako umupo pero sinigurado kong makikita nya ako.
Lumapit sa akin yung Bartender. Tsk, naman oh, wala akong ganang mag-inom ngayon, may babantayan pa ako noh.
"Best mocktail please." Sabi ko na medyo lalaki ang boses peromay galang pa rin.
"Would you like pina collada sir?" tumango na lang ako at umalis na sya sa harapan ko. Kulit lang e, gusto kong titigan si Jin dahil yun naman ang trabaho ko pero ng tumingin ako sa inuupuan nya kanina, nawala na sya.
"Hi, you are from a PNP training facilities right?" nagulat ako ng biglang may magsalita sa kaliwa ko pero hindi ko iyon pinahalata.
Pinakalma ko muna ang sarili ko tapos dahan-dahang tumingin sa kanya. Bakit dahan-dahan? Para makuha ko talga ang atensyon nya.
"Yes, but I didn't pass." Sabi ko na lang sabay namang dating nung drink ko.
Napatingin sya dito tapos umorder din sya. "Isang Salty dog." Sabi nya at gumawa ulit si bartender ng drink. "Hindi ka sanay sa cocktail tama ba ako?" tanong nya sa akin na medyo nakangiti.
Sasagot na sana ako sa sinabi nya ng bigla akong may makitang naghahalikan sa likod nya. Literal na nanlaki ang mata ko kaya naman tiningnan nya yung tinitingnan ko at napabalik sya ng tingin sa akin.
"Nagulat ka ba? First time mo dito tama ba?" tanong nya ulit at uminom dun sa order nya kanina.
"Oo, nasa barracks lang ako palagi e."ngayon na ang tamang oras para sa turo ni maam na sasabihin ko. "Broken hearted kasi ako sa isang babae kaya naisip kong magpunta sa ganitong bar para uminom. You caught my attention kasi naroon ka sa dulo kung saan hindi ka masyadong makikita at doon ko naalala na hindi nga pala ako sanay uminom ng mga hard drinks kaya napa-moctail na lang ako. Hehehe" Sana hindi sya makahalata.
Tiningnan nya ako ng are-you-serious-look akala ko bulelyaso na ako e buti na lang napakagat ko sya.
"Ganoon? Sama ka na lang sa akin." Sabi nya.
"Teka? Saan?" tanong ko medyo kinakabhan ako. Lalaki pa rin itong kasama ko.
"Don't worry I won't atack you. Samahan mo na lang akong magpakasaya." Sabi nya at hinila ako palabas ng bar. Huminto ako at tumingin ako sa baso ko na nasa bar. "Ako ng magbabayad dun tara na." Sabi pa nya at hinila muli ako.
Sumama na lang ako wala naman akong magagawa hindi ba? So, heto kami ngayon sa limo nya. Grabe iba talga ang taste nito.Papalitan ba naman ang kulay ng limo into light blue. Grabe naman ata ang obsession nya sa blue. Pati sa loob puro blue e. Pasalamat na lang ako at hindi ito pink baka masuka talga ako pag pink ito.
No offense ganoon talga akong klase ng babae pabayaan nyo na.
Nanahimik na lang ako mula ng makasakay kami sa kotse nya. Ang misyon ko lang naman ay ang bantayan sya diba?
"Oh, sorry I didn't get your name." Napalingon agad ako sa kanya kaya naman medyo namula sya dahil sa paglingon ko sobrang lapit na pala nya sa akin. Agad syang lumayo na namumula pa rin.
BINABASA MO ANG
Ang Pagiging Lalaki
Teen FictionSi Lime Green Forrest. Sa kabila ng kanyang berdeng pangalan ay ang pagiging maginoo nya sa isang lalaki na noong umpisa ay misyon lang para sa kanya at hindi tunay na iniibig. Pero dahil sa pagiging "LIWANAG" ng lalaking iyon na nagngangalang Jin F...