APL 12
“Anong ginagawa mo dito Rikko?!!” agad akong lumapit sa kanya kahit na pinipigilan ako ng mga kaibigan kong wolf. “Ayos lang yan mga kasama kaibigan ko sya. Sya lang ata ang bestfriend ko e.” Sabi ko sa kanila ng hindi tumitingin sa mga mukha nila kundi kay Rikko lang.
“Lime bakit? L Bakit ka umiiyak ng ganyan?!!” napahawak ako sa mukha ko. Umiiyak napala ako ng makita ko si Hiroyuko. “Tahan na oy~” agad nya akong niyakap kaya umiyak lang ako sa kanya.
“Hi- HIROYUKKKOOOOOO!!!!”Sigaw ko habang yakap nya ako. “Hiroyuko bakit ang sakit? Bakit ang hirap?? Ang tanga ko ba para patulan ang lahat ng iyon dahil sa anime? Pero minahal ko na sya e. Kahit na ilang araw pa lang kaming magkakilala pero minahal ko na sya Hiroyuko! Pakiramdam ko sya si Nanamiya. Yung lalaking matagal ko ng crush noong nasa school pa tayo. Bakit ganito HIROYUKO!!!” wala na ako sa tama kong pag-iisip ng sabihin ko ang mga iyon. Ito ang nangyayari sa akin kapag napasobra ang pag-iyak daig ko pa ang lasing.
“Tahan na Lime, alam mong bawal sa’yo ang palaging umiiyak hindi ba? Baka magshut down ka nanaman. 18 ka na pero ang katawan mo parang pang 14 pa rin dahil sa mga nararamdaman mong kabaliwan. Tama na Lime, Tama na. Hindi ko na gustong makita kang nag Shutdown dahil sa pag-alis ko noon. Ayaw kong maulit ang lahat Lime.” Hinigpitan pa nya ang yakap nya sa akin.
Shut down. Oo tama, nangyari yun sakin dahil sa depression at natulog ako ng tatlong taon isang taon pa lang akong nagigising pero dahil din sa shut down na iyon lumakas ang katawan ko. Sa oras na mangyari nanaman ang pangmatagalang shut down ko baka hindi na ako magising.
“Niloloko mo ba ako Hiroyuko? Mas makabubuti kung nagshut down ako hindi ba? Kapag ginawa ko iyon hindi ko na sya masasaktan pa o kahit ako masasaktan din.” Ngumiti ako kahit umiiyak. Hindi ko na kinakaya, alam kong ilang minuto na lang magsha-shut down na ako at sana naman ito na ang huling shut down.
“Lime ano ba! Ang tanga mo naman e. Narito nga si”
“Paalam Rikko.”
“Para magsorry at sabihing mahal ka nya.”
Doon na ako nawalan ng malay. Huli ko na lang naramdaman ay ang pagbuhat sa akin. Si Savier siguro ito. Sya naman ang pinaka malakas dito e. Salamat sa lahat.
------
Ano ba yung tunog na yun. Parang isang beating ng heart. Sino ba yung inoobserbahan at kailangan pa ng ganyan. Ang ingay grabe!
“Jin, mabuti pang kumain ka kahit itong mansanas lang.” Rikko? Bakit parang ang lamaya ng boses nya?
“Wala akong gana.” Mahinang sabi ng isang taong malapit sa akin.
BINABASA MO ANG
Ang Pagiging Lalaki
Teen FictionSi Lime Green Forrest. Sa kabila ng kanyang berdeng pangalan ay ang pagiging maginoo nya sa isang lalaki na noong umpisa ay misyon lang para sa kanya at hindi tunay na iniibig. Pero dahil sa pagiging "LIWANAG" ng lalaking iyon na nagngangalang Jin F...