APL 32 Fireworks
-Turning to Jin
-Alexer and Shun
-That Greatful Voice
-Let’s Stay Together
-Two days Left
“Jin, bakit naparito ka? Ayos na ba kayo ni Jack?” ngumit lang sya sa akin. Parang may kakaiba pero hinikit na nya ako para yakapin.
“Tara kakain Lime.” Sabi nya tapos tiningnan ako sa mata.
“Okay.” Sabi ko na lang at naglakad kami papunta sa labas ng school.
“Jin ayos ka lang ba talaga? Bakit parang maputala ka?” tanong ko sa kanya. Napahawak naman sya sa mukha nya.
“Wala ito. Kinakabahan lang ako kasi ngayon na lang ulit tayo nagkasama ng ganito.” Sabi nya na medyo namula.
“Ganoon ba? Sige anong gusto mo? Ako naman ang manlilibre sa’yo this time.” Sabi ko at umorder na kami. Nagkwentuhan lang kami sa kung anu-anong bagay at nagbalik na kami sa school.
“Jin, ano kasi.” Napalingon muna ako sa ibang dereksyon at nakita ko sina Kieth at Shun nakatingin sa amin. Tss.. Mga adik! “Uhm.. Alis na tayo, nakatingin sa atin sina Shun at Kieth e.” Sabi ko sa kanya. Natawa lang sya ng kaunti at saka kami tumayo.
“Bakit naman kaya nila tayo pinapanuod?” tanong nya at humawak sya sa kamay ko.
Pakiramdam ko talaga may kakaiba e.
“Ewan ko, gaganti yata sa ginawa kong pambubuko sa kanila dati?” natawa kami sa sinabi ko.
Naglakad lang kami papunta sa mga club rooms. Mga ordinaryong back riding ang sa track and field at cowboy cafe host club naman ang sa basic academics. Nag-enjoy kami ni Jin doon lalo na sa track and field team kasi naman ang sayang sakyan yung mga kabayo nila nagawa pa naming magpa-unahan ni Jin at dahil nga sanay sya dito sya ang nanalo.
“Parang pinagbigyan mo lang ako kanina doon sa karera ng kabayo.” Sabi nya na nakangiti habang kumakain ng ice cream na nasa cone.
“Hahaha.. hindi anoh, hindi naman talaga ako marunong noon e.” Sagot ko sa kanya. Niyaya naman nya ako sa mahogany park kaya naman naupo kami sa ilalim ng isa sa mga punong iyon. Magkatalikuran kami. Ewan ba parang ang awkward. Parang ngayon ko lang sya nakasama ng ganito. Ganoon yung feeling e.
“Jin/Lime” sabay naming sinabi kasabay din ng pagtingin namin sa isa’t-isa.
“Sige ikaw muna.” Sabi ko sa kanya. Hindi naman importante yung akin kaya ayos lang.
“Uhmm. Tayo lang dalawa dito tapos wala namang ibang nakakakita...” napalunok sya at parang nakuha ko na ang gusto nyang sabihin.
BINABASA MO ANG
Ang Pagiging Lalaki
Genç KurguSi Lime Green Forrest. Sa kabila ng kanyang berdeng pangalan ay ang pagiging maginoo nya sa isang lalaki na noong umpisa ay misyon lang para sa kanya at hindi tunay na iniibig. Pero dahil sa pagiging "LIWANAG" ng lalaking iyon na nagngangalang Jin F...