APL-11

81 3 0
                                    

APL 11

“Hoy halimaw na babae na may katawang lalaki. Bumangon ka na dyan at magsisimba tayo para naman mabawasan ang kasalanan mo!!” Putek. Ano nanaman bang problema nito.

Ay Sh!t. Nasa bahay nga pala kami nina Mike ngayon. Walanjo talga oh.

“Nakuuuu.. Naku.. asa ka dyan e nagpakalalaki lang yan dahil dun sa gwapong mayaman e nakalimutan na nya ang magsimba. Isa pa masusunog yan sa simbahan.”

“Iba ka talagang mambwisit sa umaga ML.” Naisip ko kahit nakapikit pa ako.

“Gumising ka na nga dyan. Hinihintay ka ni Jin sa baba.” –Mike.

(O_O)

Napabalikwas ako at agad na pumasok sa banyo nila, naligo at nagbihis tapos pumunta sa baba para makita si Jin.

“Kitams. Seven minutes thirtyeight seconds. New record!” sabi ni ML pero hindi ko sya pinansin dahil hinanap ko si Jin.

Pero kahit lumabas na ako ng bahay nila hindi ko makita si Jin. Bumalik na lang ako sa loob.

“Isuot mo. Bigay ni Jin. Cosplay daw kayo sa church. Parehas daw kayo nakapambabae kaya naman isuot mo na.” Walang ganang sabi ni ML. Bruhang ito naka Sunday dress din.

Sa bagay ganoon naman talaga dapat e. Kaya naman nakasuot din ako ng pambabae ngayon. Pinalitan ko yung suot ko kanina dahil wala naman si Jin.

“L-Lime?” agad akong napalingon sa nagsalita.

Nakita ko si Jin na nakasuot ng panlalaki at nakaayos ng mabuti ang buhok nya. Yung totoo may pupunta ba kaming kasalan? Ganda ng mga ayos namin e. Tsaka akala ko ba magcocosplay kami sa simbahan e bakit nakapanglalaki sya? Ang daya lang. Tsk. Plano lang talaga ito nina Mike ano? Bwisit. (‘ =_=)

“Anong ginagawa mo dito?” yan ang tanong sa isip ko na hindi ko nagawang sabihin sa halip ay lumakad ako palampas sa kanya at nagsimulang lakarin ang daan papuntang simbahan.

Noong makarating ako sa simbahan naroon na silang lahat. Nakisakay kasi sila kina Jin. Paki ko ba, bahala sila. Pero ng hanapin ko si Jin sa kanila wala sya kaya naman naupo na lang ako sa malayo sa kanila at hindi pinansin yung mga magiging katabi ko.

Nagconcentrait lang ako sa pagsisimba. Noong nagbibigayan na ng kapayapaan hindi ko na pinansin kung sinong binigigyan ko ng salitang “peace be with you” Basta tungo na lang ako ng tungo hanggang sa mabalik na ulit ang katawan ko sa harapan. Simula kai kaliwa, palikod, pakanan at paunahan ang nakagawian kong pagbibigay kapayapaan sa mga tao sa simbahan kaya ganoon ang naging routine ko. Sanay na naman ang mga tao dito sa akin. Ako nga ang mini artista nila dahil patawa ako lagi. Di ko lang yun magawa ngayon.

Ang Pagiging LalakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon