APL 38- Safe and Sound

56 2 0
                                    

APL 38 Safe and Sound

-sleep tight

-kambal na pagmamahal

-safe and sound

I feel heavy. Wala akong ibang maramdaman kundi ang bigat. Wala akong ibang makita kung Pitch Black. Gustuhin ko mang tumakbo ang bigat namang ng mga paa ko. Gustuhin ko mang sumigaw wala akong iba magawa dahil wala namang boses na lumalalabas sa bibig ko. Daig ko pa ang baldado sa lagay kong ito. Ang sakit ng puso ko. Ang sakit ng kaloob-looban ko.

Gusto ko na lang matulog panghabang buhay kaysa ganito. Walang makita, marinig, maramdaman kundi purong kadiliman.

Jin, kung nasaan ka man sana ayos ka lang. Gusto kitang makasama pero ayaw kong makitang galit ka sa akin dahil babae ako at lalaki ang gusto mo.

Naalala ko ang bawat tingin mo sa akin noong nasa bar tayo, nasa limo mo na kulay blue, ang pamumula mo noong nasa mall tayo. Ang pag-aalala mo sa akin noong unang beses akong nagshut down sa harapan mo. Yung oras na unang beses mo akong hinalikan sa labi, yung sandaling nagalit ka sa akin dahil sa muli kong pagsha-shut down. Yung panahong hinalikan mo ako dahil nagalit ka sa paglapit ko sa captain ng Soccer club noong magcosplay ako bilang si Suzaku. Yung sakit na naramdaman ko habang umuulan at iniwan mo ako hawak-hawak ang labi ko.

Nararamdaman ko ang bawat sandaling pinasaya mo ako, sa bawat araw ng foundation week, sa bawat araw na ikaw ang nakakasama ko. Sa kalokohan man o hindi. Nararamdaman ko bawat oras na papagalitan mo ako dahil sa maling ginagawa ko pero pinapatawad mo pa rin ako. Damang-dama ko ang bawat minuto ng mga sandaling hawak ko ang kamay mo, ang yakap mo at ang mga labi mo.

At pilit kong hindi kalilimutan ang bawat segundo na minahal kita ng totoo.

Mahal na mahal kita Jin.

Hindi mo man ako magustuhan, mamahalin pa rin kita ng lubusan.

Ikaw lang liwanag ko.

Jin’s PoV

“Anong sabi mo?!! Paano mo nagawa ito Jack! Paano mo sya sinaktan! Anong kasalan nya sayo!! Nagawa mo na ang gusto mo hindi ba!! Kaya tama na!..... Wag ka ng umeksena pa! Pupunta ako dyan at wala kang magagawa... Wala akong paki-alam sa Pilipinas! Ang mundo ko ang dapat kong iligtas at ngayon, si LIME yun!!” agad kong ibinagsak ang telepono at kinuha ang passport ko, pumunta sa labas ng bahay at nagpahatid sa Air Port.

Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Gustuhin ko mang magpanic ngayon hindi ko magawa. Baka kung mapaano pa ako kaya naman mas mabuting kumalma na lang ako.

Hindi ko matanggap ang mga kalokohang ginawa ng kapatid ko. Hindi ko akalaing lalala ang sitwasyon. Grabe ang pangyayari at wala ang lahat ng ito sa plano namin ni tito. Oo nasa plano ang papuntahin si Lime sa Japan pero palabas lang iyon dahil ako mismo ang susundo sa kanya kapag naamin nya na iniibig nya nga ako ng lubusan. Pero dahil sa ginawa ni Jack, nasira ang lahat. Nawala ang lahat ng pinaghirapan ko. Matatalo ako sa pustahan at mawawala sya sa akin ng tuluyan.

Ang Pagiging LalakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon