APL- 19 Cha Cha

66 2 0
                                        

APL 19- Meeting part 1

-Chacha Alexer

Kinabukasan naglakad lang kami ni Jin papunta sa park. Park kami ngayon para daw masaya. Mga adik talaga yung taga football team. Okay lang naman dito dahil may Tennis court kahit walang bubung e may malalaking puno that’s why hindi kami maiinitan. Hehehe..

Noong makarating na kami doon agad kong nakita ang baseball club kasama ang mga girls—ERR. T-Booms.

“Tol! Tagal nyo ah!” sabi noong isa. Yung kapartner ni pareng Alexer. Michaela ata pangalan nito.

“Yo Miks! Sensya na napasarap kami ng kain sa bahay, hehehe..” sabi ko sa kanya at nag-high five kami habang nakaupo sila sa sementong upuan doon. As usual hindi nanaman kumikibo si Alexer. Gumagalaw naman sya pero hindi kami pinapansin.

“Anong klaseng kain ha.” Biro pa ni Micaela at doon natawa si Alexer. Namula si Jin at napangiwi ako.

“Grabe ka pre, kapag wala na lang si Mama sa bahay. Hahahha.. O maniwala ka naman ha. Wala sa isip ko na kainin si Jin. Isip mo ha.” Sabi ko at lalong natawa yung mga T-booms.

“Ang berde mo talaga. Hahahha... Pero sige na yun na nga yung sinasabi ko. Hahahha..” tawang tawang sabi ni Micaela.

“Hehehe.. Captain, ngiti ngiti naman dyan oh! MAG CHACHA!!”Naisip ni Wally na ibahin ang usapan ayan siya kinukulit si Alexer.

“Cha charap ang buhay! Let’s Cha cha cha with. A.Lex.Xer!!” yan naman yung mga members nila kasama yung mga T-Boom. Hahaha.. natawa kami ni Jin kaya ayun kami ang napagbuntunan ng tinging nakakamatay ni Alexer. Hehehe shut up tuloy kami ni Jin Hahahaha...

“Oi matangkad na walang pakinabang sa buhay, simulan na natin yung meeting mukha namang hindi pa darating yung mga Kumag. Yung sa amin na ang unahiin nyo.” Sabi ni Alexer kaya naman naupo na si Jin sa isang tabi habang ako nagpapaliwanag ng mga gagawin nila.

“Okay, Second Phase: Mafia Duo.

May na research ba kayong itsura ng mga mafia sa Wild Wild West? Tingin ko kasi ordinaryo lang ang itsura nila so kailangan nating makaisip ng itsura ng ating WW West na magmumukha syang Mafia.

Kasunod, Duo.

Dahil dalawahan kayo may mga team na magbibigay ng papers sa entrance may mga nasa entrance naman ng baseball field para sa mga firing equipment at doon mismo sa firing station. Wala pa akong naiisip na pwedeng pabagsakin na target e.” Hinintay ko muna ang sagot nila dyan.

“Doon sa costume kami ng mga T-Booms ang bahala marami kaming mapagkukunan ng ganyang impormasyon sa mga kumpare namin.” Nagsitanguan yung mga T-Boom.

“Tungkol naman doon sa hatian siguro magbubunutan lang kami.” Sabi noong isa sa member ng baseball club.

“Captain tingin mo okay lang kaya kung bato ang gagamiting panghagis ng sa mga prices?” tanoong noong isa pa.

Ang Pagiging LalakiMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon