APL 40- CREEP

64 2 0
                                    

APL 40 Radiohead Creep

-Missing him

-Minuru’s lover

-My Boss

Lime Green’s PoV

Humiga ako sa kama sa loob ng tree house alam kong mali ang gingawa ko. Alam kong mali na humingi ng kapalit matapos nila akong lokohin pero sinaktan nila ako, pinaikot na parang turumpo, pinagpustahan na parang manok sa sabong. Hindi ko akalaing magagawa ito ng taong mahal ko. Kung kelan napatunayan ko na mahal ko sya ganito pa ang malalaman ko. Ang sakit, sobrang sakit.

Ipinikit ko ang aking mga mata at nilagyan pa ito ng aking braso. Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako hanggang sa lumapit ang isa sa mga wolf-dog. Si Mika. Dinilaan nya ang mga luha sa pisngi ko dahilan para bahagya akong magulat at mapaupo. Tiningnan ko si Mika at kahit na aso sya nakita kong malungkot ang mga mata nya.

Kasabay ng paulit-ulit kong pagpapatugtug ng kantang Creep ang kalungkutan ni Mika.

“Sorry Mika, nalulungkot ka ata sa kanta. Papatayin ko na lang.” Sabi ko at aabutin ko na ang MP3 ko.

Agad namang humiga si Mika sa unahan ko dahilan para hindi ko maabot ang MP3. Hindi ko matanggap na kahit ang isang hayop nararamdaman ang lungkot ko. Nasaasktan ako at kahit sila nasasaktan ko.

Napayakap na lang ako kay Mika habang pakiramdam ko’y umiiyak din sya sa loob nya.

Nakatulog ako na yakap si Mika.

Kinabukasan, nakita naming lahat si Minuru na may kasamang lalaki. Hindi matatawaran ang ligaya sa mukha ni Minuru habang ipinapakita nya ang ganda ng paligid sa lalaking hindi mo alam kung nakangiti o hindi ba. May maikli syang utol ng buhok na halos kulay ginto na.

Masaya si Minuru at naiingit ako. Namiss ko yung mga sandaling kasama ko si Jin, yung kinukulit ko sya at yung sandaling naramdaman kong parang lalaki talaga ako kapag kasama sya. Naiingit ako dahil nahanap na ni Minuru ang lalaki para sa kanya. Na meron na syang kabiyak na hindi sya hihiwalayan.

“Ano yun?” tanong nung lalaki.

“Ah, yun ba? Naiwan ata nung may-ari na tumutugtug yun.” Napatingin ako sa anim na kasama ko at nakita ko kung sino ang guilty. Si Savier.

Nagroll eyes muna ako bago bumalik sa panunuod sa kanila. Halatang nagandahan ang lalaki sa buong lugar. Sino bang hindi? Napaka-aliwalas ng lugar na ito, maliwanag at kulang na lang ay isang pamilya na nagkakasiyahan. Pero alam kong mali ang nakikita kong iyon dahil masakit ang dulot ng lugar na ito. Kaparehong kapareho nito ang dati kong pinagtataguan kina Savier na nalaman pala ng magkapatid noon pa. Lalo lang akong nasasaktan sa tuwing iisipin ko sila.

Hindi ko napansing nakikipaglaban na ang dalawa sa mga nakamaskara kaya naman ng bumatok si Mika ay agad na bumaba ang mga wolf-dog at ako’y nakasunod na lang sa kanila. Hindi ko na napigilan ang galit ko. Ayaw kong nalalagyan ng dugo ang kalupaan ko at ayaw ko ring narito ang dalawang ito. Bitter na kung bitter basta ayaw ng ka-sweetan ngayon.

Ang Pagiging LalakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon