APL-15

75 3 0
                                    

APL 15- SAO ED Yume Sekai

 

 

Nakarating na ako sa loob ng gym at hindi ko talaga inaasahan ang nakikita ko ngayon.

“O, panalo nanaman ako!” sigaw ng aming minamahal na coach. “BOOM PANES!! Mwahahaha.. ten laps ngayon na!! Hahaha second batch kayo naman.” Pagkatapos niyang matalo ang grupo nina Keith grupo naman ni Virgilio ang pinaupo nya. Ano aman bang laro ang ginagawa nila? (-_-) tss..

“POKER!” sigaw ni Virgilio kay Rikko.

“Sige.” Kumpyansang sabi nito at sinimulan nila ang poker.

“Tss.. ano nanaman ba yang ginagawa ninyo?” tanong ko ng lumapit ako sa kanila.

“Lime!” sabi agad ni Jin pero hindi ko sya makita. “Dito sa taas.” Sabi pa nya kaya tumingala ako at nakita ko nga sya sa taas.

“Ngek! Anong ginagawa mo dyan!!?!! Bakit ginagaya mo si Spider Man!!??!!!!” sigaw ko sa gulat at agad ko syang ibinaba sa pagkakatali nya ng pabaliktad doon.

“Hoy tangkad... *Killer eyes* Ba.kit.Mo.Sya.Ibi.na.ba!!!!!!!!” napaka Furious naman ni Rikko ngayon, ano bang nakain nito?

“Hoy! Haruyuko! Bakit mo naman sila pinupush ng ganoon? Alam mo bang makakasama sa kanila lalo na kay Jin. Baliw mo talaga. Ano bang nangyari sa’yo bago ka pumasok dito sa school at napag-initan mo nanaman ang mga una mong makikita?” tanong ko pero kwinelyuhan lang nya ako.

“Kasalanan mo ito e! Kakainis ka. Bakit hindi mo sinabi na dito din nag-aaral ang mokong at ang tomboy na yun ha!!! Nakakainis ka alam mo ba!!!” sabi nya na kala mo papatay talaga ng tao. Yung tipong batang inis na inis na nagiinarte at gustong pira-pirasuhin yung sinasabi nyang kinaiinisan nya. Yung ganoong tono ng boses ang ginawa nya. Gets nyo ba?

“Sino naman yung sinasabi mo ha, Haruyuko.” Kalmado ko lang sabi sa kanya.

“Lime, sina Michael at Liona ang sinasabi nya.” Sagot ni Jin para kay Rikko. Napatingin naman ako na nagtatanong na mga mata kay Jin dahil sa sinabi nya.

“Paano?” napakunot ang noo ko ng itanong ko iyon.

“Nagrequest ako kay Tito at noong tinanong ko naman yung dalawa payag naman sila. Isa pang dahilan ko ay para hindi kayo magkahiwa-hiwalay.” Nakayukong sabi nya. Nahihiya siguro.

“Hayy.. Jin, okay lang yun wag kang mahiya sa akin. Dapat pa nga akong magpasalamat sa ginawa mo e. At isa pa, natutuwa ako at pinagkakatiwalaan mo na rin ngayon ang mga kaibigan ko. Salamat.” Sabi ko pa at niyakap sya.

Nyahahaha.. tsansing nanaman ako sa mahal ko hahahha.. ( >.< ) Iiii!!! Kinikilig ako!! Hahaha..

“Okay lang!! Anong okay lang!! Nababaliw na kayong dalawa!! Alam mo naman ayaw ko sa mokong na yun diba? Lime Diba!!!!” inuga-uga ako ni Rikko mula sa likod kaya pati si Jin nauuga na rin.

Ang Pagiging LalakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon