APL-34 Till The End

42 2 0
                                    

APL 34 Till the end

-Banal na Hiyas!!!!!! (W/N: Nakakawindang ang banal na hiyas. Hahahhaha..)

-Bananaque

-Fighting scene

-Kakaibang Play

Byarnes (Play)

Narration (GHG)

Naglalakad si Lelouch papunta sa school nila dala ang sangkatutak na libro na pinadala sa kanya ng kaibagan nyang school student counil presedent ng bigla nyang makasalubong ang kanyang kaibigan na si Suzaku.

“Suzaku, napadalaw ka?” tanong agad ni Lelouch dito.

“Haha, matagal na ba akong nawala Lulu?” napakamot si Suzaku sa batok nya ng sabihin nya iyon.

“Isa ka ng round knight hindi ba? Dapat si Ufi na ang kasama mo araw-araw at hindi ka nagpupunta dito.” Sabi ni Lelouch sa binata matapos ay inayos nya ang mga dalang libro at saka naglakad muli.

Sandaling nanahimik si Suzaku matapos ay hinabol nya ng salita si Lelouch. “Busy sya. Kausap nya si Nunaly ngayon.” Agad na natigil sa paglalakad si Lelouch pero hindi sya tumingin kay Suzaku. “Pwede bang makausap pa kita habang narito pa ako?” malambing ang pagkakasabi noon ni Suzaku at nagawa na nyang makalapit ng husto kay Lelouch.

Biglang humarap si Lelouch kaya naman kaunting pagitan na lang at maglalapat na ang kanilang mga labi. Magkasing taas lang kasilang dalawa. Agad na lumayo sa pagkabigla si Lelouch at namula ito.

“Sorry” sabi ni Suzaku pero hinawakan nya ang kamay ni Lelouch at hinikit kung saan. Nalaglag ang mga dalang libro ni Lelouch sa damuhan at nagtatakbo na lamang ang dalawa hanggang sa makarating sila sa isang solar garden.

Sa isip ni Jin: Iba talagang gumawa ang mga adik. Pati stage nagawang garden pero puno ng solar. Solar panel!

 

Sa isip ni Lime: Ano nanaman bang kalokohan ito. Totoo kaya yung nakalagay doon sa binabasa ko noon? Ang tanga lang kasi ginawa na talaga nilang kami lang dalawa ni Jin dito para daw makapagpahinga ang mga mokong. Bwisit may basketball pa nga pala kami bukas kaya naman pala pinabayaan na nila kami dito. Oh well. Ganoon naman talaga kapag hindi mo na kailangang galingan sa play.

“Kailangan mong ibigay sa akin ang banal na hiyas! Kailangan ako ang mauna!”  agad na sabi ni Suzaku kay Lelouch ng makarating sila sa solar panel garden.

“H-Hindi Pwede! Para ito sa pagpapalakas ng GN particles ng mga gundam este nightmare!” agad na lumayo si Lelouch kay Suzaku.

Nagtawanan ang audience dahil sa sinadya naming samahan ng gundam at inuyasha ang play na ito. Who knew baka may iba pang isinama ang mga loko. Sa script ko kasi yan lang ang kasama.

 

“Ilabas mo na ang mahiwagang bato! Ipasok ang Tetsaiga at gamitin ang kazenukizuuu” sigaw ni Suzaku kay Lelouch na may kasama pang paghawak sa mga braso nito.

Ang Pagiging LalakiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon